February 6th, 2006
My Cellphone Story
Hindi ko alam kung anong klase ng pagkain ang sumayad sa sikmura ko at naisipan kong sumulat ng isang storya tungkol sa Cellphone. Pagpinag-uusapan ang Cellphone hindi pwedeng mawala ang Text. Bukod sa pagtawag ito ang kadalasang ginagamit ng isang Cellphone user para magkaroon ng komunikasyon sa taong gusto nyang kausapin na wala sa tabi nya. Text ang pangunahing gamit ng Cellphone. Text kung anong Assignment sa school, dahil hindi nakapasok. Text kung sino ang nanalo sa laban ng Spurs at Pistons, dahil may pusta. Text kung anong bagong Tsismis. Text sa sinusubaybayang palabas na Pinoy Big Brhother na hindi napanood, at pati ang paghahanap sa layas na katulad mo, isang Text na lang! Masarap (pero walang lasa) magkaroon ng Cellphone. Lalo na kung may pangtustos ka sa luho nito o yung tinatawag nating Load. Kaylangan ng Cellphone ang load para makatawag at makatext. Pero kung dukhang Cellphone user ka lang tulad ko, at nananalaytay sa dugo mo ang pagiging mandirigmang buraot, Pwede ka rin namang makitext, maki share- a – load sa kaibigan o, sa ate’t kuya mo. Ang puhunan mo nga lang ay galing sa pambobola at kung papaano mo sila makukumbinse na paTextsin ka. Bukod sa mayayaman at kilalang tao. Lahat na yata ng nilalang sa buong mundo e gumagamit ng Cellphone. Meron nga akong kakilala na hindi ko alam kung nasobrahan sa paghithit ng Sunog na Tsinelas. Ang pananaw nya kasi, “Di bale na sikmura ko’y walang laman, basta Load sa Cellphone hindi maubusan” kahit mag T.G.I.S. sya alang-alang sa Cellphone gagawin nya.(Langya!!) Ganyan sya ka adik sa nabanggit na bagay. Hindi ko nga alam kung matutuwa ako sa kanya o maaawa. Malaking tulong ang Cellphone sa buhay ng tao. Nakakapag-usap ang magkalayo sa isat-isa, malalaman mo kung anong petsa na, sabihin sa kasama na ala-una na dahil nagpapagising sya, at magsabi ng, M.U (Magandang Umaga!) GUD PM! GUD NYT! (sweetdreams) Sleepwell my Beautiful Tinkerbell, Muzta!, Miss na poh kita!!, Kumain k n?!, Mahal n kita?, I LOVE U!!!! chuuupppp… sa Special Someone mo. Hanga ako sa taong nakaimbento ng Cellphone. At hanga rin ako sa Cellphone kung papaano nya napapaikot ang Ulo ng kagaya ko sa pagkarga ng Load, pagpalit ng housing/case nito. Pagdownload ng mga Cool na Ringtone, Polytone, Truetone, Picture Message, Wallpaper, at kung papaano nya paandarin ang utak ko sa kakaisip ng Astig at hindi gasgas na Quotes na madalas kong matanggap sa mga naging Textmate ko.
NOKIA 8250. yan ang unang Cellphone na nanligaw sa mata ko. At dahil isa lang naman akong marupok na lalake. Napasagot ‘nya kaagad ako, at nakuwa ang matamis kong Tatlong Libo. Maganda ang NOKIA 8250. bukod sa cute na hugis nito napaghawak mo ay para ka lang maliligo sa banyo (kasing liit ng SafeGard soap) Taglay pa ng backlight nito ang kulay na paborito ko. Kaya hindi na ako nag-atubili at bumili kaagad ako. Pero hindi yan ang kongkretong dahilan kung bakit naisipan kong bumili ng Cellphone. Isang babae ang dahilan. [Sabay-sabay magugulat] Ang susunod na mababasa nyo ay pinamagatang “My Cellphone Story” na planong gawing pelikula ng sikat na director ng ating bansa na si Carlo j. Caparas pero hindi ako pumayag.
Tinamaan ako sa kanya Ate Charo. At dahil sa madalas magtakbuhan ang mga alaga kong daga sa dibdib sa tuwing sya’y aking makikita, Napagpasyahan ko na padaanin na lang sa Cellphone ang totoong sinisigaw ng puso ko. Ang tinutukoy kong babae ay ikukubli ko na lang sa pangalang “Lady in Red” yan ang bansag ko sa kanya. Dahil sa tuwing siya ay naka-red lalo syang gumaganda. At yan din ang pangalan nya sa Cellphone ko. Ganito umikot ang storya ng NOKIA 8250 na Cellphone ko. Si Lady in Red, at AKO. Kinutsiaba ko ang kaibigan kong mukhang pahayagan ang katawan sa dami ng Tatoo na alamin kung anong Cellphone number ni Lady in Red na madalas nyang kausap at naging tropa. Inutusan ko ang kaibigan ko, at sinabi na wag ipapaalam kay Lady in Red na ako ang nagpapahingi ng Cellphone number nya. At dahil hindi naman nalalayo ang galis aso at bibig ng kaibigan ko. Nasabi rin ng makating dila ng kaibigan ko na ako nga ang nagpapahingi. [Patay tayo dyan!] Pero hindi rin nakatiis ang magandang si Lady in Red sa makulit kong kaibigan. Binigay din ang Cellphone number. [Pakipot pa!] Araw-araw ko sya tiniText. Kinakamuzta, pinapasahan ng Quotes na nagmumula sa tunay kong nararamdaman para sa kanya, Nag-aalala kung kumain na sya, Nagsasabi ng “Ingatz sa pagpasok” at pati pagbati ng GUD NYT! Bago sya matulog inako kuna. Kahit parang ako nga lang ang nakakaramdam ng pag-ibig na ito. Ganun ko sya pinahalagahan. Sa bawat tunog ng Cellphone ko na nakatodo sa Level 5 ang volume, Text nya ang inaabangan ko. (Sabi ko pa sa sarili ko!) Maging G.F ko lang ito si Lady in Red, kahit gawin nya akong Keychain papayag ako. O di kaya e kahit ibalot nya ako sa Lumpya wrapper at pagulungin sa kumukulong mantika papayag ako. Mapatunayan ko lang sa kanya ang tunay na hangarin ko. Pero gaya ng ibang sad story na mababasa nyo sa libro at napapanood sa Radyo. Malungkot ang kinahantungan nito. Alam nya na ako ang nagtitext sa kanya, Pero hindi ko lubos maisip na sa mahigit tatlong buwan kong nag text sa kanya miski isa wala akong natanggap na reply na nagmula sa kanya.. Sobrang sakit ang naramdaman ko sa pagbaliwala ‘nya sa akin. Gusto ko nga sanang ilapit ang suliranin kong ito kay JOE D.MANGO. pero naisip ko. Sa mga Barangay Tanod na lang sa aming kanto. Hindi ko alam kung martir ako o, nasobrahan lang sa kakasingot ng Baygon Katol na malapit sa paa ko, pero umaasa ako nun na magrereply sya sa Text ko. (Hanggang minsan naitanong ko sa sarili ko.) bakit hindi kaya sya nagrereply??
a.) Wala ‘syang pakielam sa’kin.
b.) May iba syang ka textmate na lamang ng tatlong paligo sa’kin.
c.) Wag ka ng umasa Yhotski…..
d.) Ubos na ang load nya pagdating sa’kin.
e.) Lahat ng Nabanggit.
Sa sobra kong pagkahumaling sa kagandahan nya. Bukod sa nasama na sa paglunok ko ng Pandesal ang Pride ko, Mukha pang na Gang Rape ng Martilyo ang hinlalaking daliri ko sa kakapindot ng keypad ng Cellphone ko makapagpadala lang sa kanya ng magagandang mensahe na nagmumula sa kaibuturan ng puso ko. Di kalaunan. May bumatok na lamok sa Ulo ko, at natauhan din ako sa pinag-gagagawa ko. Kahit hirap ang tulad ko sa pag-iisip. (Naisip-isip ko.) Ilang Load din ang sinayang ko. Ilang tigyawat din ang nabuo sa mukha ko sa kakaisip sa kanya sa tuwing ako’y nag-iisa. Ilang panakaw tingin din ang ginawa ko sa tuwing siya ay aking nakikita, at marami pang ILAN ang nagawa ko. hindi ko na ngalang matandaan yung iba. Habang sinusulat ko ang storya na ito na talaga namang tatapik sa mga puso nyo. Kasalukuyang tumutulo ang mga luha sa mata ko. Pero hindi dahil sa masalimuot na nangyari sa Lovelife ko. Kundi nag hihiwa kasi ng sibuyas ang ermat ko. Hindi naman sana kasama ito sa kwento. Pero mahapdi talaga sa mata pag may nag hihiwa ng sibuyas, at hanggang ngayun hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit ganito ang dulot nito sa mata ng tao. Pero lahat ng iyon ay di ko pinanghihinayangan. Wala namang kasalanan si Lady in Red sa mga pangyayaring ito. Kung meron mang may kasalanan at dapat sisihin. walang iba kundi AKO!! At miski isang beses hindi ako nagtaninm ng sama ng loob sa kanya.Ganun siguro pag MAHAL mo ang isang tao Nagpapasalamat pa nga ako dahil ng mahulog ako sa patibong ng pag-ibig nya. Yun ang pinakamasayang pangyayari na naramdaman ko sa buong buhay ko, na nahigitan pa yata ang saya ng 1st Birthday ko. At talaga namang pag-iingatan ko. Ituturing na kayamanan at itatago sa loob ng puso ko hanggang sa tumanda, kumulobot ang mukha, magkandakuba, rayumahin, at bumalik sa pagkaisip bata.
Kumupas man ang pagtingin ko sa kanya ngayun, hindi pa rin naman nag-lalaho ang pagmamahal kong ito.