Entries for March, 2006

March 20th, 2006

"Taong Grasa"

 

 

Madungis,  mabaho,  malalim at nanlilisik ang mata,  laman lagi ng kalsada,  nanginginig sa gutom,  wasak-wasak ang damit,  nagsasalita mag-isa.   

Yan ang mga pangkaraniwang pwede mong matawag sa   "Taong Grasa"

Ang mga katulad nya yung madalas mong nakikita sa kalsada.  Palaboy laboy at naghahalungkat ng basura para maghanap ng pagkaing ipangtatapal sa gutom na sikmura nila.    Ang mga katulad din nya yung iniiwasan mo sa tuwing makakasalubong dahil bukod sa natatakot ka baka manakit,  iniiwasan mo ring masingot ang dinakawiwiling amoy na hatid nya.    Ang mga katulad nya yung masasabi mong may sariling mundo.   Nagsasalita mag-isa.  Kinakausap ang sariling paa at bigla-biglang sumisigaw ng

"It hurts,   it hurts you know!!"

Na bigla kang mapapalingon na akala mo may nagawa kang kasalanan sa kanya.    Sabi nila marami raw dahilan kung bakit nagkaka ganyan ang isang tao.   Posible daw sa sobrang hirap ng buhay.  sa dami ng problema.  Pagkahumaling sa pinagbabawal na gamot.   madalas na panonood ng Pinoy Big Brothers.  At pagkasawi sa pag-ibig.   Sila ang mga taong sarap na sarap sa kalungkutan, at galit na galit sa kaligayahan na halos lahat naman ay 'yon ang inaasam.   Masasabi ko na ang mga katulad nila ay parang biktima ng isang sumpa.   Sumpa na para sa normal na taong katulad natin ay pagligo lang ang katapat.

Kanina nga lang meron akong napanood sa MTV na kanta ng bandang "Blink 182"   Nakalimutan ko lang yung title.   Merong part sa mtv ng kantang 'yun yung binihisan nila ng magarang damit yung "Taong Grasa"  Dinala sa isang Barber Shop,  pinagupitan, pinamanicure, pedicure, pinahawak ng baston sa kanang kamay habang ginagawang pamaypay sa kaliwang kamay naman yung limpak-limpak na salapi at umaastang kagalang-galang.

Nung matapos na yung Ambush Make-over ng "Taong Grasa" na bida doon  sa kanta.  Nakalimutan nya ang lahat ng kanyang problema at sya'y naging masaya.   

Matapos kong panoorin yung kanta na yun sa MTV.  Naisip-isip ko baket hindi kya ganun ang gawin ng ibang Official ng Gobyerno kaysa nagra-rally sila para sa problema ng bansa at mapatalsik sa pwesto si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.   Bakit hindi nila pagtuunan ng pansin yung mga katulad ng   "Taong Grasa"  Marami silang nakikitang problema ng bansa, pero yung mga "Taong Grasa" na nasa listahan ng ating problema sa bansa hindi nila nakikita.

Ang sinulat kong ito ay handog ko sa dating kaklase ng kuya ko na ngayon ay "isa" na sa tinutukoy kong   "TAONG GRASA"

Currently listening to: At nakalimutan na ang diyos by The Wudds
Currently feeling: natatae ako!!
Posted by YHOTSKI at 06:40 AM | 3 Ang hindi mapakale

March 31st, 2006

"Friendster"

Dalawang babaeng magkasama.

"May Friendster ka ba?"
"Oo"
"Ikaw?"
"Meron din.."
"Add mo naman ako?!"
"Sige"
"Konti palang kasi friends ko eh"
"Maganda ba friendster mo?"
"Oo naman,, ako pa!!"
"Backround ko nga sa friendster ko yung picture ni Regine Velasquez"
"Talaga?! Mukhang maganda nga"
"Ako naman yung picture ni Kim Sam Soon"
"Solid ka pla Kapuso"
"hehehe..."
"Ilan na ang friends mo?"
"Ummmmm.. 432 pa lang!"
"Huh!!?"
"432 pa lang?? pa lang?? pa lang??"
"hehehe... HIndi ka pla friendly kung ganun??"
"nyahahahaha.. Di masyado.."
"Hahahaha"
"Hihihihi..."
"Marami ka bang POGI na friends??"

Tumigil yung FX sa Padre Noval St.


Dalawang Babae.

"Manong dyan na lang po kame sa tabe"





Lulan ako ng isang FX kanina na ang biyahe ay papunta sa Buendia. Papauwi na ako nun ng makasakay ko ang dalawang babae na aliw na aliw sa pinaguusapan nila.

Sa maraming beses at tinagal tagal ko ng nagpapa alipin sa isang online webpage na mas kilala sa tawag na Friendster, marami akong hindi lubos maisip kung baket nagpapakalulong ang isang tao dito.

Ano ba ang Friendster sa pagkakaintindi mo?? Diba panandaliang libangan lang 'to sa'yo?? Dito ka mag-uubos ng oras mo para makipagkilala sa ibang tao. Pwede mo silang maging kaibigan. Maging kabiruan. Maging katropa. Maging kapuso. At pagsinuswerte ka pa nga, pwede ka rin dito makatagpo ng kabiyak ng iyong puso. Pero hindi ko maintindihan kung baket nauwi ang Friendster sa paramihan ng kaibigan gaya ng nangyayare sa ngayon. (Ilan na ang friends mo? 432 pa lang) Hahaha... Kilala nya kaya lahat 'yun. At eto pa! Karaniwan na nangyayare sa Friendster e yung pilian ng kaibigan. Totoo yan!! Maniwala ka. Kapag babae, madalas na gusto nilang malagay sa Friendster nila para maging friend e yung POGING lalake na katulad ko. Ayaw nila ng friend na mukhang 'ugat ng akasya' ang pagmumukha. Kapag lalake naman, mga maganda at sexy na babae na kulang na lang e walang saplot sa katawan.

Dati nga nung una kong sign-up sa Friendster, ang gusto kong maging kaibigan ay sila Ping Lacson, Mike Tyson, Manny Pacquiao, Catherine Zeta Jones, Angel Locsin, Wynona Raider, Noli De Castro, Brad Pitt, Bamboo, Tito-Vic & Joey, Osama Bin Laden, George Bush. Asteeggg diba!!

Isa naman sa hindi ko makakalimutan sa Friendster e yung may nagmessage sa'king isang babae. Nagwapuhan yata saken. Niyayaya akong magmeet daw kame sa SM San Lazaro. Hindi ko naman sya kilala. Sa isi-isip ko.

"ANO KA SINUSWERTEEEEE"




Kung tutuusin, hindi lang naman Friendster ang pinaglulunggaan ng mga taong kulang sa atensyon at kalinga na walang magawa sa buhay. Nandyan din ang Pinoyster, Cousinster, hipster, Myspace, Hi5, Yahoo Messenger at kung ano,ano,ano,ano,ano,ano,ano paaaa.... Para sa'kin makakatulong ang Friendster para makita-makausap at makamuzta ang ilang mahal ko sa buhay, kapatid, kagrupo, kababata, katrabaho, kaututang dila, katalsik laway, at ilang mga kaibigan na kasama ko dating tumabo ng ilang kasiyahan.



Isa pa din sa hindi maiiwasan sa Friendster e yung paghihingi ng Testimonial. 'Mali yata ang ganun ha!! Ang alam ko kasi hindi naman prang tinapay lang ang Testimonial na basta basta mo lang mahihingi. kundi ibinibigay ito sa'yo ng kusa ng mga taong nalilibang, natutuwa, nagmamahal sayo, at mga pinagkakautangan mo na hindi mo pa binabayaran.



Sa ngayon habang tumatagal, tinatamad na'kong magbukas ng Friendster ko. Marami na kasing impostor 'don at manggagaya. At kung iisipin mo, wala ren namang nangyayare at mag-aaksaya ka lang ng pera at oras..







Ito na lang siguro ang masasabi ko sa lahat ng may FRIENDSTER








PENGE NAMANG TESTIMONIAL...

Currently listening to: Sugod by sandwich
Posted by YHOTSKI at 01:05 AM | 10 Ang hindi mapakale