Entries for April, 2006

April 9th, 2006

Impluwensya ng Musika

"Everybody needs a someone
Waitin' to be there when things are a-lookin' down
So if you feel a little lonely
Go out, find your one and only
Somewhere out there
Someone will care for you and then....


Never let her go
Never let her go"




Narinig ko na naman ang kanta na 'yan. Hindi nyo kasi naitatanong, isa yan sa mga paborito kong kanta. "Never let her go" ang tittle nyan. Pinasikat ng grupong "Bread" Matagal na rin nung huli ko yang mapakinggan. Natutuwa nga ako dahil may istasyon pa palang nagpapatugtog sa kanta na yan at nagagandahan..





Totoong kakambal na ng tao ang musika. Bata palang tayo kinakantahan na tayo ng mga magulang natin. At kahit na saan ka pumunta. Saan mang sulok ng mundo ka magsusuot. Hindi mawawala ang musika. Pagsasapit ang Birthday mo, sikat na kanta ang "Birthday Song" Pag pumasok ka ng simbahan, laging kinakanta ang "Ama namin" Sa mga taga nayon naman, Patok sa ligawan ang "Harana" Kapag Pasko naman may "Caroling" Kapag mahal na araw may "Pabasa" Sa eskwelahan may "National Anthem" na kinakanta habang kayo ay nsa pila. Kapag Fiesta may mga "Combo at Marjorette" pang kasama. At kahit naliligo ka, nakukuwa mo paring Kumanta.


Isa ako sa mga taong mahilig sa musika. "Music Lover" ika nga nila. Isa ako sa tumatangkilik sa bandang Orange & Lemons. Madalas kong isabay sa almusal ang mga kanta nila. masarap kasi sa tenga ang mga musikang likha nila. Beatles ng Pilipinas kung ituring na nga sila. Ang mga gusto kong kanta nila yung "A Beginning of Something Wonderful" "Yer so Special" "Hey Please" "Heaven Knows" "Hanggang Kailan" At lahat na yata ng kanta nila gusto ko. Sa kabilang banda, nakikinig din nman ako ng REGGAE. Gusto ko naman sa reggae e yung mga kanta ni Bob Marley, Sublime, Big Mountain, at Three Eleven. Hilig ko din ang alternative, death, punkrock. Nakikinig din ako ng mga "SKA at BLUES na kanta gaya ng grupong Juan Pablo Dream, Skabeche, At yung lumang banda na Put3ska. (Inabot nyo pa kaya 'yun?!) Yung mga kanta naman ng Backstreetboys, A1, Westlife, at ilan pang boybandz?! Oo!! Pinakikinggan ko din. Pag nasakasarapan na 'ko ng tulog at naghihilik.



Sa ngayon nahuhumaling naman ako sa mga tugtuging "EMO" Ang sarap din kasing makinig ng ganung klaseng musika. Eto naman ang mga gusto ko sa kantang EMO. HELENA, The ghost of you, Im not okay, Yesterday's Feelings, Blue and Yellow, Letter to you, Vindicated, Boulevard of Broken Dreams, Mr. Brightside, Anthem of our dying day, This photograph is a proof ( i know, you know), Scars of a falling heart, Can i try my luck on you, February, at marami pang ibang kantang EMO. (Pamilyar ka kaya sa mga kanta na yan?)




Kung iisipin mo, lalong nagiging interesante ang musika kung makikita mo ang mga taong naiimpluwensyahan nito. Sa mga deboto ni Bamboo, andyan yung nagpapa skinhead sila at sinasanay na laging naka Tsinelas. para nga naman "daw" Bamboo style. hahahaha... Sa mga taong astig kung ituring nila ang kanilang sarili, hindi na sila halos nalalayo sa robot. Oo?! Kasi kung mapapansin mo ang dami nilang inilalagay at sinasabit sa katawan. Naglalagay ng hikaw sa dila, kilay, ilong, kuntil, utong, puson. At kahit ang ilan sa mga babae ngaun meron narin sa katawan nyan. May makulay silang isinusuot sa katawan na kulay silver. Sa kamay at sa sinturunan ko madalas makita yun. Pero wag ka!!! Sa kahabaan lang nila ng RECTO nabili ang mga iyon.. Nagkalat kasi doon ang ilang klase ng panindang pwede mong mabili pra maging "Rockista/Funkista" � ka � "DAW"


Kahit sa pananamit mapapansin mo ang mga taong naimpluwensyahan lang ng musika. Kung hindi man musika, malamang ng mga kaibigan, kabarkada, at ng mga sabihin na nating iniidolo nilang mga banda. � May mga nagsusuot ng halos wasak-wasak na pantalon. Yung hindi na nalalayo sa nasakmal ng aso. At paparisan ng sapatos na ChuckTa ylor. Magpapakulay ng buhok sa ulo, ilong, at kili-kili. Ayooossssss!!!! Isa na "DAW" silang tunay na "Rockista at funkista" Asteeegggg!!!!!









Hindi maitatatwang marami sa ngayon ang ganyan. Mga nagpapanggap. POSER sa malapitang tawag. Pero hindi ko naman nilalahat. meron parin dyang mahal ang musika pero matino namang tingnan. Kung isa ka man sa mga taong tinutukoy ko kanina, at kung nasira ko man ang araw mo. PASENSYA na kaibigan!!! Mlapit lang sa katotohanan ang sinasabi ko. (Kung iisipin mo) Dapat mo pa bang sundin, gayahin, at sambahin ang mga ganun?? Sa iba pwede nilang sabihing "Oo!!" Pero para sa'kin. Kung isa ka talgang Rockista/funkista at mahilig sa musika, hindi muna kailangang magpalagay ng hikaw sa kung saang parte ng katawan. Umasta na ala Bamboo. Magsuot ng wasak-wasak na pantalon, T-shirt na Che Guevarra, At magpakulay ng buhok sa kili-kili para lang masabi na "Astteeegggg at KewwwwLLLL" Dahil tenga, isip, at puso lang ang ginagamit mo sa pakikinig ng musika. 'Wala ng iba!!!!







Kung sino ka. Kung ano ka. At kung paano ka manamit.

"Yun ka!!!"

Wag munang piliting gayahin pa sila dahil hindi ka madadagdagan sa ganyang paraan. Lalabas lang na wala kang originality at manggagaya.

Currently listening to: Is this love by Bob Marley
Posted by YHOTSKI at 02:16 AM | Ang hindi mapakale

April 18th, 2006

"OUTING"

Image Preview

 

Pinangutang ko ang isang daang piso para makasama sa isang lakad papuntang Nasugbu Batangas. Nagkayayaan kasi na magswimming at naiisip ng karamihan na doon na lang magpalipas ng "Mahal na Araw." 'Tutal once in a blue moon lang naman 'to mangyare, sumama narin ako kahit na 400 lang ang pera ko at kinailangan ko pang mangutang sa kaibigan ng isang daan para makapagbayad ng kabuuan. Pero bago pa'ko tuluyang sumama sa aking mga katropa, niyayaya na'ko ng kapitbahay naming mahusay na photographer sa Rice Teraces. Doon kasi ang lakad nila ng mga kabarkada nyang kapwa photographer. At kung sasama daw ako, kailangan may sarili akong Camera dahil palalabasin nya daw na member ako sa club nila. Hindi ko na tinanggap yung alok nya. Wala pa kasi akong Camera. Naintindihan nya naman habang ako naman minumulto ng panghihinayang. Matagal ko ng pangarap makapunta sa Rice Teraces. Grade2 palang ako pagpinagmamasdan ko ang larawan ng Rice Teraces sa dingding ng room namin sa eskwelahan, namamangha na 'ko at napapabulong ng






"Ang sarap sigurong pumunta dito??"




Doon naman sa office namin, niyayaya akong sumama sa Pangasinan ng mga katrabaho ko. Plano daw din nilang doon magpalipas ng Mahal na Araw sa bahay ng isang katrabaho namin na malapit doon nakatira. At balak pa nilang dayuhin doon ang Hudred Island at aakyat pa sila ng Baguio. Sarappppp nunnnnnn!!!!!! kaso lang din, hindi narin ako sumama. Bukod sa wala akong pera, napasubo narin ako sa ilang mga katropa na sa kanila na nga ako sasama. Pero sayang talaga!!! Hundred Island yun at Baguio??!!! Hindi ko parin pareho napupuntahan.











Nasugbu Batangas. Dito ang napag-usapan na outing ng ilang katropa. Biyernes ng madaling araw kami umalis dito sa maynila. mag-uumaga ng ng makarating kami doon. Apat na oras ang biyahe. Tagal!!!!! naging bibingka na nga yung pwet ko kakaupo. Pero OK lang, hindi naman ako nainip sa biyahe dahil may binabasa akong librong kasing laki lang ng pocketbook. 'GAPO ni Lualhati Bautista. 88 pesos ang bili ko sa National Bookstore sa may Recto. Sulit!!! dahil ang ganda ng istorya. sarap basahin. Pagdating namin sa Nasugbu Batangas merong isang pangyayare na hindi namin lahat inaasahan. Wala kaming nakuwang Resort doon. Kaya minabuti naming maghanap sa singit-singit na lugar ng Batangas. Di kalaunan, may nakita na din kami. 'Yesssssssss!!!!!!! sa Calaca Batangas. "FILIPINA BEACH RESORT" Ayos naman ang Calaca Batangas. Maraming puno, Malinis ang kapaligiran at masarap ang simoy ng hangin. Akmang-akma ang lugar para mag relaks at magpakasaya. Sayang nga lang dahil wala akong sariling Camera. Marami pa naman akong nakitang photo oppurtunity doon na alam kong di ko makikita dito sa Quiapo. Pinagsawaan ko na lang pagmasdan ang ganda ng lugar kasunod nun ang palihim kong pagsasabi ng 'WOW!!!!






Sa pagkukumpara ko. masasabi kong malaki ang pagkakaiba ng Calaca Batangas sa Maynila. sa mga tao palang. marami ang magagalang at kuntento na sa simpleng pamumuhay. di tulad dito sa Maynila na ang favorite past time ng ilang mga tao ay magchismisan, makiealam sa buhay ng may buhay, at sumigaw ng sumigaw sa kalsada ng







"SOBRA NG PAHIRAP PATALSIKIN SI GLORIA!!!!!!"




"GLORIA!!! GLORIA!!!! GLORIA RESIGNNN!!!!!"






(Balik tayo sa outing namin)








Nag-almusal kami mga bandang alas-otso ng umaga. pagkatapos lahat ay nagbihis na at naghanda para magpakalunod sa nang-aakit na linis ng tubig dala ng swimmingpool at dagat. Matapos ang walang katapusang paglangoy, pagpapalutang, pagsisid, pagsakay sa bangka para manguwa ng corals for the first time, pagsuot ng life jacket for the first time, trippings, lunuran, hubaran ng short tanghalian, at meryenda.. Lahat ay dinalaw na ng kapaguran. Kinagabihan pagkatapos gumawa ng bornfire sa harap ng dagat na wala rin namang kwenta dahil sandali lang ito nagliyab, nagkayayaan ng inuman. 'Patay tayo dyann!!! Umaatikabong lasingan 'to panigurado. Naglatag ng lamesa, naglabas ng pulutan at nagbukas ng ilang bote ng mucho. habang ang organizer naman ng outing na si Dondon ang tumayong tanggero. Ang inuman nauwi sa kwentuhan, kulitan, asaran, tawanan, tuksuhan, at syempre kantahan. maliban na nga lang sa isang katropa na mukhang nasobrahan, nakuwa ng tumambling ng maaga sa higaan. Ninamnam ko ang sarap ng aming outing. At dala narin siguro ng sobrang kalasingan ko sa RC Cola, naisip kong mahirap pala tlaga pag wala kang katropa.







Ang isang kaibigan, naging dlawa, naging pito, naging sampu, naging barkada, naging katropa. At dumami pa ng dumami hanggang sa hindi mo na mabilang. Andun ka sa puntong matututunan mong makisama. sa paglipas ng panahon matututunan mo ring magbahagi sa kanila ng ilan sa iyong problema. at tiyak ganun din sila. dahil hindi lang ikaw ang may problema sa mundo. sila, meron din. May mga pagkakataon ding may mawawala sa katropa mo at hindi na bumabalik. mahirap kapag dumarating sa ganitong sitwasyon. kaya nga kinaaasaran ko kung bakit pa nagkaroon ng salitang "Paalam." Pero narealize ko, kailangan tlagang tanggapin.











Sa likod ng ngiti ng aking mga kaibigan. Doon ko nakita na marami pa palang magagandang bagay ang pwede mong maranasan at matutunan kasama ng ibang tao sa paligid mo. Isip ako dati ng isip kung bakit madalas awayin ni nanay si tatay dahil pala barkada ito at gabi na kung umuwi ng bahay. Ngayong may barkada na ako at may mga katropa, naiintindihan ko na. At masaya ako dahil hindi pala ako nag-iisa. Sa lahat ng bagay. sa lahat ng oras meron akong makakasama. ang aking mga katropa.

Posted by YHOTSKI at 09:59 AM | Ang hindi mapakale