Entries for June, 2006

June 12th, 2006

Pasukan na!!!!

 

Sadyang napakabilis ng panahon. kaylan lang, masaya pa akong nakikipag matigasan sa init ng araw, pero ngayon unti-unti ng nagpaparamdam si tag-ulan. Hindi naman iba sa ating lahat na sa tuwing sasapit ang tag-ulan ay kasabay nito ang simula ng pasukan sa ibat-ibang eskwelahan. Sa katulad ko na dating estudyante, pagnaririnig ko ang salitang "Pasukan" maraming pumapasok sa aking isipan.



Sigaw ng nanay ko.




"Juliusssssss...... Anong oras naaaaaaaaa........"








Bigla akong magigising na para bang pusang binuhusan ng malamig na tubig at pabulong kong sasagutin sya ng: "Hindi ko alam" 'ewan ko ba! Pero talagang nakasanayan na yon ng nanay ko dati na sa tuwing maririnig ko ay talaga namang parang gustong humiwalay ng kaluluwa ko sa katawang lupa ko.





Hindi biro-biro ang pagiging estudyante at araw-araw na pagpasok sa eskwelahan. Marami kang kailangang isakrepisyo at pagtyagaan. Sabi nga nila, ang mga estudyante raw ay pwede mong ihalintulad sa isang bilanggo. May mga segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan, taon, at mahabang panahon na dapat bunuin para lang makatapos ng pag-aaral. Sa kabilang banda, kapag ang isang tao naman ay hindi mag-aaral o hindi nakapag-aral, eto yung uri ng tao na umaasa lang sa abilidad. Nakalulungkot mang sabihin, may pisibilidad silang mapasok sa bilangguan o mga piitan dahil napariwara ang buhay at walang ibang alam kundi ang manlamang. 'Buhay nga naman!!



Official Holiday.
Suspended ang klase.
May bagyo.
Absent ang teacher.
Linggo.


(Hayyyyy, sarap!)





Yan ang mga paborito ng ilang estudyante. naging paborito ko din nung estudyante pa ko. Magkakaroon ka ng pagkakataon na makapagpahinga sa bahay, Makapag shopping sa Mall of Asia, Maka gimmik kasama ang barkada, at makapag laro ng Counter-strke, Gunbound, at Ragnarok sa Internet. Kung sa bagay, wala ng mas sasarap pa sa pagiging "RAGNA CUM LAUDE"









Sabi nga ng tatay ko dati saken sa tuwing tatamarin akong pumasok sa eskwelahan "Kung nabuhay ka lang sa kapanahunan namin. mas nanaisin mo pa sigurong pumasok na lang ngayon kaysa pumirme dito sa bahay. Ang baon lang namin dati mga pagkain na laman ng bahay at ilang piraso ng kamote. Walang pera. maglalakad pa kami ng mga kapatid ko ng pagkahaba-haba bago namin marating ang eskwelahan. Pero kayo! may baon na, may pamasahe na, hindi nyo na sa ngayon masyadong kailangan ang libro dahil may Internet ng sasagot sa ilang katanungan nyo, tinatamad pang pumasok!?! Tsk! Tsk! Tsk!" Sasabayan ng iling ng ulo at paghithit ng sigarilyo. Kung sa bagay, tama talaga si Tatay. Kung "Dati" at "Ngayon" ang pag-uusapan pagdating sa pag-aaral, di hamak na napaka swerte ng mga estudyante "ngayon" kumpara "dati" Pero marami ang hindi nakakaisip nyan "ngayon"





Pasukan.
Pasukann..
Pasukannn...
Pasukannnn....
Pasukannnnn.....





Napakasarap talaga ng buhay estudyante.









Naaalala ko tuloy yung mga kaklase ko dati sa kolehiyo na sina Cocoy, Christopher, Jonjon, Jay, Rodolfo, Noel, Jayson, Ryan, Toshi, Ace, Vince. Kami-kami yung mga magkakasama dati sa loob at labas ng EARIST. Hindi man kami lahat magkakapareho ng hilig. magkakasundo naman sa lahat ng trip. Magkakasama sa paglalaro ng basketball, panonood ng mga banda, pag-iinuman, pagswiswimming sa "Wawa", pagkain ng lugaw sa Stop & Shop, tulungan sa project at assignment, hitik sa mga kalokohan, at lahat ng problema pinagdadamayan. kami kasi yung mga tipo ng estudyante dati sa kolehiyo na umiiwas sa grado na Singko at nangangarap maka Uno. Ang ilan sa amin ay nakapag tapos ng pag-aaral, meron ding hindi, ang ilan ay may pananagutan na sa buhay, ang ilan ay may mga trabaho na, at ang pagkakaalam ko, ang iba din sa amin ay bumalik uli sa eskwelahan.

Posted by YHOTSKI at 05:56 AM | 2 Ang hindi mapakale

June 23rd, 2006

Feeling Swerti ka ba 2day?

"Click mo yung Asul sa baba!!"

Pcso_web_ad_sm

Naniniwala ka ba sa Lotto??

Talaga??

Paano mo nasabi na totoo yung Lotto??

Nanalo ka na ba sa Lotto?!

Kamakailan lang, isa sa mga kapitbahay namin ang binato ng swerte sa ulo at nanalo sa Lotto. Sa halagang sampung piso, binago ng Lotto ang buhay ng kumpare ng tatay ko. Naiisip ko nga ngayon, ano kaya ang pakiramdam ng kapitbahay naming yon ngayong marami na syang pera. Ano kaya ang ginagawa nya ngayon sa perang pinanalunan nya. Ano kaya ang reaksyon ng mukha nya nung nalaman nyang nanalo sya sa lotto. nangitim kya sya sa tuwa. nagkutis betlog. muntik ng atahikin. sumigaw kaya sya ng "I won, i won" Anong klaseng pamumuhay kya meron na sila ngayon. marunong pa kya silang kumain ngayon ng Pancit canton chili mansi. kumakain pa kya sila ng Philipine cornedbeef. (tuyo) Mukhang magiging parte na ng buhay nila ngayon ang magliwaliw sa ibat-ibang lugar. libutin ang lahat ng shopping mall dito sa Pinas. Parang ang bilis ng pangyayare. Dati hindi nila alam kung saan sila susuot para lang kumita ng pera ng sa ganun e may maihain sa hapag-kainan. ngayon 'yon ang marami sila. Nakita ko pa nga lang yon nung nakaraang buwan na gumawa ng sirang refrigerator. binabaklas nya at pinipira-piraso para daw mapakinabangan at maibenta. ngayon. humihiga na sya sa limpak-limpak na salapi. ikaw ba naman ang manalo ng 34 Million. ewan ko lang kung anong gagawin mo. Simula ng nanalo sya sa lotto, hindi na sya nagpakita sa lugar namin. Ayon sa mga kwento-kwento ng mga batikang 'uzisero' at 'uzisera' sa aming lugar, nakabili na raw ng tatlong bahay at meron na silang sariling bussines. Ang nakakatuwa pa nyan, masyadong naimpluwensyahan ng lotto ang mga tao sa lugar namin. halos lahat na nang tao sa lugar namin, tumataya na ng Lotto. Pati nga si Tatay at Nanay na dati ay walang kahilig-hilig sa pagtaya ng Lotto, ngayon nakikipagbalyahan na sa malapit na Lotto Betting Station para lang makataya. Naghahangad din yata. Kahapon, nagpamisa samin yung kapitbahay naming nanalo sa lotto. pero hindi sya dumating, meron lang syang pinagkakatiwalaan na syang namahala sa misa kapapon. sampung libong piso ang inilaan na pera para sa misa. merong libreng pakain at ang pagkakaalam ko e meron ding mga ilang nabalatuhan. (Hindi ako naabutan.) Si tatay kya nagkaroon. sa lahat ng sugal na nalalaman ko, ang lotto ang hindi ko pinaniniwalaan. pero ngayon na may kakilala na kong nanalo, masasabi kong totoo nga ang Lotto.











Pakiramdam ko suswertehin ako ngayon.















Makataya na nga. Baka sakali.

Posted by YHOTSKI at 07:07 AM | Ang hindi mapakale