Entries for August, 2006

August 15th, 2006

CLICK

"What if you had a
Universal Remote..
That controlled
Your Universe?"



Noong linggo, naisipan kong magpunta mag-isa sa SM Megamall. Ugali ko na talaga na kapag may gumugulo sa isip ko, mall ang una kong tinatakbuhan. Sa ganong paraan lang kasi nagiging payapa ang isipan ko. Panandaliang pagtakas sa problema 'ika nga' Sa kagustuhan kong maglibang at tugunan ang kakaunti kong kapritsuhan sa katawan, nilakad ko simula building A to building B.



'Okey sa olrayt! Ang daming tao. Ibat-ibang mukha ang nakikita ko. May maganda, may hindi. May mayaman, may mukhang nagpapanggap lang na mayaman. May magsweetheart na kulang na lang e langgamin sa pagpi-PDA, may nagsisimula palang magligawan. May sosyal, may pasosyal. May mataba, may mukhang ting-ting. May mukhang artista, meron ding mukhang kontrabida. May Conyo, may Jologs. May nagshoshoping na buong pamilya, at meron ring nag-iisa. Sari-sarin. Iba-iba. Yan ang makikita mo sa loob ng isang Mall. Karamihan sa kanila'y mga katulad ko, na pagkatapos pumasok sa SM Megamall ay lalabas din maya-maya na malamang ay hindi ko na muling makikita pa kinabukasan.



Sa paglalakad-lakad kong 'yon, nalaman ko na ang TOKYO TOKYO pala ay matatagpuan mo sa 3rd floor building A. ang CALVIN KLEIN sa 2nd floor building B. ang STARBUCKS COFFEE ay sa 4th floor building A katabi ng GREENWICH, at ang pinaka gusto kong napasukan "OLD MANILA" at THE MUSEUM SHOP" na pareho mong matatagpuan sa 4th floor building A.







MOVIETIME


Isa sa pinakamatamis na bagay sa buong mundo ay ang nasa dilim ka ng sinehan, nakaupo at nanonood habang unti-unting nagbubukas ang isang pelikula.

Matapos kong magliwaliw naisipan kong manood ng sine. "Click" ang nakursunadahan kong pelikula. pinagbibidahan ni Adam Sandler. kung hindi ako nagkakamali sya yata ang bida rin sa palabas na "50 First Dates" at kumanta ng "Grow Old With You" Hindi ako masugid na tagahanga ni Adam Sandler, nung mga oras lang kasi 'nun e comedy ang trip kong panoorin. At dahil sa matagal-tagal narin akong hindi nakakapasok sa sinehan, napansin kong may kamahalan na pala ngayon ang bayad sa sine. Nung huli akong manood, ang Lodge ay 80 pesos lang, at ang Orchestra ay 60 pesos. pero ngayon 132 pesos na kung gusto mo sa itaas, at 112 pesos naman kung trip mo sa ibaba. medyo masakit na sa bulsa. kaya siguro marami na ang pumapatol sa VCD/DVD na pirata kahit na ito ay pinagbabawal na kung iisipin e hindi na maiiwasan.




Yung sa ibaba ang pinili ko. 112 pesos. Pagkatapos kong bumili ng "Go-Large" na softdrinks, isang cheese burger at French Fries sa Jollibee, diretso na'ko sa loob ng sinehan. OK naman ang storya. Nakakatawa. 'Biruin mo, meron palang isang Universal Remote Control sa buong mundo na kayang gawin kung ano mang gusto mo. I-mute ang maingay na tao. Pabilisin ang galaw ng babagal-bagal. Pahintuin ang lahat sa paligid. Ibahin ang kulay mo. Makabalik sa nakaraan at makapunta sa hinaharap. Galenngg!! Kakaiba talaga mag-isip ang mga writer ng pelikula. pati narin ang vision ng direktor na gumawa ng pelikulang 'yon. Kaya mataas ang tingin ko sa mga tulad nila.









"But I'm in so deep. You know I'm such a fool for you.
You got me wrapped around your finger, ah, ha, ha..
Do you have to let it Linger? Do you have to, do you have to. Do you have to let it Linger.."

Currently listening to: Linger by The Cranberries
Posted by YHOTSKI at 09:22 AM | Ang hindi mapakale