Entries for August, 2007

August 8th, 2007

Buhay Baboy

"Oh ill never be lonely again
Just as long as you stand by me now
And everyday
I'll spend my time
Finding out why yer so special"

-Orange & Lemons Yer So Special









Kumain, humiga, manood ng TV. Kumain, humiga, manood ng TV. Kumain, humiga, manood ng TV, ulit-ulitin hanggang sa makatulog.. haaaaay, sarap talaga ng ganitong gawain. 'Buhay Baboy' ika nga nila. Ganito ang ginawa ko ngayong araw. Kumain, humiga at nagpakasawa sa panonood ng Eat Bulaga kaninang tanghali habang humihigop ng mainit na sabaw ng sinigang na baboy. Wala kasi akong pasok ngayon sa trabaho dahil sa lakas ng ulan na naging sanhi ng pagkabaha ng ilang kakalsadahan. Syempre! susulitin ko talaga itong araw na 'to. Minsan lang darating ang ganitong pagkakataon, potah! sasayangin ko pa ba? hehe.. Bukod sa pagkain, pag-higa habang nanonood ng TV, isa pa sa mga ginawa ko ngayon ay ang pagligo sa ulan. At wag ka? habang nagba-basketball yan. Tagal ko na rin hindi nagagawa 'to. Ang pagligo sa ulan. Dati kasi, trip ko lagi ang maligo sa ulan. Tipong umambon lang ng konti, isa na ko sa makikita mo dati sa'men na humihiyaw sa saya. : l o l : 


Ang problema ko lang ngayon, itong sipon ko. Ang sakit sa ulo. Nakuwa ko lang 'to kagabi ng maulanan ako pauwi galing ng trabaho. badtrip kasi tumutulo talaga yung sipon ko. Lagi nga 'kong may baong panyo e. Nakakatawa noh? Sipon lang pinuproblema ko pa, pero hindi lang naman itong pagtulo ng sipon ang pinuproblema ko, kundi pati na rin ang madalas kong pag-hatsing. E nakakatawa pa naman ako pag huma-hatsing. kasi, imbes na 'hatsing' ang mabanggit ko, 'washing machine' ang nabibigkas ko. Malala na yata 'tong sipon ko. Mukhang kailangan ko ng humingi ng tulong kay pareng Neozep.



Tatlong araw at tatlong beses na 'kong napapasakay sa bus imbes na sa Fx kapag papasok sa trabaho. Okey na rin dahil maski papaano hindi ako mukhang sardinas na nakasiksik sa lata. Kapag sumasakay kasi ako sa Fx sa umaga, ganyan ang pakiramdam ko. Pero nagtataka talaga ako ngayon kung baket ang hirap sumakay ng Fx. Nitong kasing mga nagdaang araw, napapansin ko, na ang hirap makasakay ng Fx papunta sa papasukan ko. Hindi pa naman phase out ang Fx sa ngayon, pero hirap talaga akong makasakay ng Fx. Kaya pag may nakita akong Bus na may karatulang 'Buendia' parang sinisiliban ang paa ko para makasakay kagad. Alam ko iniisip nyo na masyado akong sosyal dahil Fx ang sinasakyan ko sa halip na jeep. Ang akin lang naman, 10 pesos ang bayad sa jeep papunta sa pinapasukan kong trabaho, 15 pesos naman kapag Fx, e kahit na mahal ng limang piso sa Fx, doon na lang ako sasakay. Masarap na, Air-con pa! San ka pa diba?




: p u n k :  : p u n k : 


Disband na ba ang bandang 'The Cranberries'? Kanina kasi, habang nanonood ako ng MYX e nakita kong kumakanta ng solo si Dolores O'Riordan. Ang title pa nga ng kanta nya e 'Ordinary Day'. Nakakapanibago, dahil nasanay akong nakikita sya ng may kasamang drummer at dalawang gitarista. Isa ang bandang The Cranberries sa mga hinahanggan kong banda. Bukod kasi sa kinalakihan ko silang banda, nalulupitan ako sa boses ni Dolores. Lalo na pag kinakanta nya yung 'Linger' na kayang kong gitarahin, lupet! Ang galing. Halos lahat ng kanta nila gusto ko. simula sa mga album nilang "Everybody Else Is Doing It, So Why Can't We?" , "No Need to Argue", "To the Faithful Departed", "Bury the Hatchet", at "Wake Up and Smell the Coffee" Gusto ko. Maganda rin kasi ang mga mensahe ng kanta. Lalong-lalo na yung kanta nilang "Free To Decide"


Sayang naman kung madi-disband sila diba? Magaling silang banda. Sa parehong dahilan kung baket ayaw ko ring ma-disband ang bandang Orange & Lemons na nababalitaan kong malapit na rin daw.





Sarap talaga ng walang pasok.



Sana umulan uli ng malakas bukas.



Para wala uli kaming pasok. : l o l : 













Posted by YHOTSKI at 05:03 AM | Ang hindi mapakale

August 14th, 2007

Printing Station

"I don't care if monday's blue
Tuesday's grey and wednesday too
Thursday I don't care about you
It's friday I'm in love"

-The Cure Friday Im In Love








Masyado ng classic ang LSS ko ngayon ha. hehe.. Napansin nyo rin ba? 80's ang dating. Ilang beses ko nang napapakinggan sa Fx yang kanta ng The Cure na yan. Tuwing umaga kapag papasok ako sa opisina. Hindi ko nga alam, pero ang sarap sa tenga ng kantang yan. Nakakadagdag ng sipag sa trabaho. Kung hindi mo pa naririnig ang kantang yan sa itaas, download muna, pramis, maganda sya. =)




Dumating ako kanina sa opisina ng alas-otso y medya. Maaga ang pag-pasok kong ‘to dahil alas-nwebe pa naman ng umaga ang duty ko. Medyo badtrip nga lang dahil na-assign ako sa printing station. Ang setup kasi nitong opisina namin e may computer station, may xerox station, may ringbind station, may printing station at may technical station. Doon ako madalas sa technical station. Nag-aasemble ng bagong computer, gumagawa ng mga computer na sira, at minsan, sumisira ng computer. Hehehe.. Absent kasi ang isa kong katrabaho na talagang doon naka-assign sa printing station kaya ako ang ginawang panakip-butas. Ito ang pangatlong beses ko sa printing station. Sa totoo lang, ayaw na ayaw ko dito. Nakaka-bobo at nakakabagot kasi para sa'ken ang ganitong trabaho. Nagpi-print ka lang ng nagpi-print. Walang challenge.



Tungkol naman sa mga nagiging costumer na nagpapa-print, walang problema dahil karamihan ay mga estudyante sa Lasalle. Palibhasa mga mayaman, mababait at may pinag-aralan. At hindi lang yon, ang dami pang magaganda. Nalulunod nga ako sa dami ng magagandang babae dito e. Hindi katulad sa technical station na puro kapwa ko lalake ang nakikita ko na laging may hawak na screw driver. Haha.. Kung nakakapag-pasagot lang talaga ng babae ang tingin, ang dami ko na sigurong girlfriend. Hahaha.. E pabibo ako paminsan-minsan. Tipong pag may magandang nagpa-print sa’ken e inaasikaso ko talaga ng husto. May kasama pang pa-kwela para matawa. At kahit nga isang piraso lang yung pina-print, inaabutan ko pa ng stapler. Hehe.. Pero meron din namang mga ilang demanding. Sila yung mga akala mo e nagliliyab palage ang bahay kung magpa-print sayo. Nagmamadali. Tipong hindi mo pa naisasaksak yung flash drive nya sa USB port e sunod-sunod ng sinasabi sayo yung gusto nyang mangyare sa pinapa-print nya. “Kuya paki-edit yung first page!” “Kuya pakibago yung font size” "Kuya yung font, gawin mong Taho-ma" "Kuya yung sa isa, pages 1,333 lang ang ipi-print" “Kuya yung margin nya pantayin nyo” Syemre, costumer is always right, sinusunod ko na lang. Pero minsan, gusto kong sumagot ng, “Baka pwedeng ipasok ko muna ‘tong flash drive mo sa USB port!” Haaaaay.. Buti na lang mahaba ang pasensya ko. Kapag ganito, ang iniisip ko na lang, “Yhotski, ang puso mo, naka-stapler lang yan!”




Meron nga pala akong weird na namang karanasan dito. Palagi kong nakakasalubong at nakikita yung magandang babae na laging nagpapa-print dito sa'men. Nung isang araw, papasok ako ng CR ng lalake dahil ihing-ihi na ko at sasabog na yung pantog ko, sya naman palabas nang CR ng babae. Nung magkasalubong kami, nagkabanggaan ang tingin namin at nginitian nya ko. Syempre ako, sinuklian ko rin ng matamis at nilalanggam na ngiti. Ang hindi ko makalimutan doon e kung baket nya ko nginitian e, sa tingin ko dahil sa alam nya ring madalas kaming nagkakasalubong at nagkikita. Nung isang linggo kasi, nakasabay ko naman sya sa may pila ng cashier sa 7-Eleven malapit dito ng bumili kami ng meryenda ng isang katrabaho ko. At nung minsang, ma-pwesto ako uli dito sa printing station, sya pa ang unang nagpa-print sa'ken. Ang weird talaga. E crush ko pa naman sya. Kaya natutuwa ako. Ang ganda nya kasi. At sa maniwala kayo't sa hindi, kahawig sya ni Meg Ryan. Feeling ko tuloy, ako si Tom Hanks. hehehe (You've Got Mail)


"All my life I kept on searching for someone
But your thoughts keep flowing back to me, oh
Staying unmindful of the strong winds
That's forcing me to stay away from you"



Potek! Napapakanta na naman ako. Sana makilala ko sya. Sana maging magkaibigan kami. Yihaaaaa




Punta naman tayo sa masaya.



Nakwento ko na ba sa inyo na may isang nagpa-print sa’ken na natawa talaga ako ng husto? Oo! Nung isang beses na na-assign ako dito sa printing station. Ganito kasi ang kwento. Isang Tatay yon. Mga edad siguro, 50+. Nagpa-print sa’ken. Inutusan lang ata ng anak nya. (Nakakatawa noh? Anak na ngayon ang nag-uutos sa Tatay.) Pagka-abot sa’ken ng flash drive, ipinasok ko kagad sa USB port. E di binabasa pa ngayon ng computer yung bagong salpak na flash drive. Mga ilang segundo lang ang lumipas, hindi mapakali si Tatay. Itinuro ni Tatay ang mga icons na nakita nya sa harap ng computer. Ang mga icons na yon, “My Computer” “Internet Explorer” “Adobe Photoshop 7.0” at “Acrobat Reader 5.0” Sabay sabi si Tatay nang “Paano ginagamit yung mga yan?” Sagot naman ako ng “i-click nyo lang po Tay, tapos bubukas na sya at magagamit nyo na.”


Sabay tanong si Tatay “Kapag naubusan ba ng ink yan, magiging kulay itim yung mga tinuro ko?”


Hahahaha.. Ano ‘to, printer? (Bulong ko lang naman ‘yon sa sarili ko.)


(Sorry!) Pero natawa talaga ako sa hirit nya.


Buti na lang, mga dalawang segundong tawa lang yon at nakagat ko kagad ang labi ko.


Sagot ko naman, "Hindi po magiging kulay itim yan Tay, at wala pong ink yan. Printer po ang nilalagyan ng ink" (sabay turo ng printer sa gilid ko.)


Nung ngumiti si Tatay, doon ko nalaman na naintindihan nya rin ang sagot ko. Pero nung nag-pop up na yung flash drive sa Windows at tinanong ko sya kung anong file name nang ipapa-print nya, ang sabi nya sa'ken, "Nakalimutan ko iho kung anong file name!" Nyahaha. May Alzhiemir na si Tatay. Kaya umalis sya uli at bumalik mga bandang hapon siguro.





HP Laserjet 1020.


Asar ako sa printer. Kahit anong printer, lalong-lalo na ang HP Laserjet 1020 na yan. Naaalala ko nung nandoon pa ko sa dati kong pinapasukang trabaho, itong printer na ‘to ang nagpahiya sa’ken sa dati kong amo. Bukod kasi sa hindi ko alam i-troubleshoot ang printer, hindi ko pa malaman minsan kung ano talaga ang sira nya. Yung tipong tunog lang sya ng tunog pero walang binibigay na dahilan kung bakit sya tumutunog. Pero alam mo may sira sya dahil ayaw tumuloy yung gusto mong i-print. Parang lasing na hindi tumitigil sa kaka-kwento ng paulit-ulit.


Buti sana kung may na-stuck lang na papel sa loob o yung toner ang may problema, yun kaya ko pang remedyohan, pero pag yung tunog lang ng tunog, hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin. Asahan mo, magtatanong na lang ako sa kasama kong com-tech din kapag ganito ang nangyare. Ayaw ko pa naman ng ganitong sitwasyon. Yung hindi ko alam ang susunod kog gagawin. Yung kailangan ko pang magtanong para lang malaman. Ako kasi, kapag may problema, hinahanapan ko kagad ng solusyon. Pero, nga pala, ako rin yung tao na pag hindi ko mahanapan ng solusyon, hindi ko na pinu-problema. Hahahaha... : l o l : 




Minsan, nag-eenjoy din ako dito sa printing station. Lalo na kapag walang topak ang printer na ginagamit ko at nakikita ko yung crush kong binansagan kong 'Meg Ryan' =p



Pero kung katulad kanina ang laging mangyayare, na may isang babae na nagpa-print sa’ken ng mahigit isang libo, Putangina! Wag na lang. Doon na lang ako magtyatyaga sa technical station. : l o l : 












Posted by YHOTSKI at 08:57 AM | Ang hindi mapakale