Entries for September, 2007

September 7th, 2007

Ang Kaarawan Ni Julian (imbitado ka ba?)





Una sa lahat, happy birthday Tatay!








Pasensya na Tay kung hindi ko kayo nakuhang batiin kanina nung bago ako umalis papuntang trabaho. Pagbati na nga lang ng happy birthday sa inyo hindi ko pa nagawa. Alam nyo naman na hindi ako nasanay na sabihin sa inyo ng harapan kung anong mga nararamdaman ko. At alam ko ring suntok sa buwan ang pag-asa kong mabasa nyo ang sulat kong ‘to dahil alam ko namang hindi kayo marunong mag-computer at mag-surf sa internet.



Hindi lang pagbati sa inyo Tay ang dahilan ng pagta-type kong ‘to sa harap ng computer sa halip na nagre-reformat ako ngayon ng dalawang CPU at nag-aasemble ng limang unit ng bagong computer. Di bale nang mapagalitan ako ng head IT namin, ang importante sa’ken ngayon matapos ko ‘tong tina-type ko. Gusto ko rin kasing magpasalamat sa lahat ng nagawa at sakripisyo nyo sa akin pati na rin sa aking limang kapatid. Lahat ng kabutihan at kaligayahang pinagsaluhan nating lahat magpapamilya e nakalista sa puso't isipan ko.



Naaalala niyo pa po ba nung nawala ako nung tatlong taon pa lang ako dahil sumama daw ako sa may sayad na lalakeng kapitbahay natin na nagpapasyal ng aso? Dahil wala pa akong isip noon, kwento sa’ken ng mga nakatatanda ‘kong kapatid, halos libutin nyo raw ang buong Pilipinas kakahanap sa’ken. Buti na lang natagpuan ako sa UST ng magba-balot na binayaran nyo para lang hanapin ako.



Natatandaan nyo pa po ba Tay nung maatrasan ako ng isang mustang na sasakyan na naging sanhi ng pagkabali ng kanang paa ko? Kwento sa’kin ni Nanay ay muntik na daw manghiram ng mukha sa aso yung drayber ng mustang dahil ginulpi nyo. Para nga raw kayong si FPJ nun e, habang ginugulpi nyo.(napaghahalata ang FPJ fanatic. Hehe..) At nagbitiw pa nga raw kayo ng salita sa drayber na kapag may masamang nangyare sa’ken at hindi ako nakalakad, e magtago-tago na sya dahil hindi nya raw magugustuhan yung gagawin nyo sa kanya. Naisip ko tuloy ngayon, nagustuhan nya kaya yung ginulpi nyo sya?.



Kayo din ang palaging nagbabantay sa’kin noon sa Ospital habang ang kanang paa ko ay nababalutan ng semento. Naaalala ko noon na ayaw ko magpabantay sa mga nurs dahil matataray at laging may baong injection sa bulsa.



Maraming salamat sa pagiging mabuting ama, Tay. Kahit na takot ako sa inyo pag nalalasing kayo nung bata pa ako dahil wala na yatang mas bibilis pa sa inyo sa damputan ng sinturon. Muntik ko na tuloy noon masumpa yung naka-imbento ng sinturon. Pero minsan Tay, namimiss ko yung palo nyo sa’ken. Hehe.


Salamat sa pagmulat niyo sa mga mata ko na ‘masaya ang buhay, i-enjoy ko lang.’ At sa isang payo nyo sa’kin dati na hinding-hindi ko kakalimutan kahit na lasing pa kayo noon ng sinabi nyo sa’ken ‘to

“Wag na wag mong hahayaang dumating sa puntong niloloko mo na ang sarili mo at nanloloko ka na ng ibang tao.” - Julian Alcaraz


Maraming salamat sa pagpapakilala nyo sa’ken sa samut’saring bagay pati na rin sa mga diskarte at kung paano harapin ang buhay.



Bata pa lang ako, naging mas malapit na ako sa inyo kaysa kay Nanay. Hindi dahil sa magka-mukha tayo sabi nila, gawa siguro ng madalas nyo kong utusan.



Maraming salamat Tay sa hindi nyo pagpilit sa akin kung anong gusto nyo para sa akin. Ni hindi rin kayo nagalit nung malaman nyong umiinom na pala ako. Hindi ko na kailangang magtago sa inyo pag-iinom ako. Kung ibang magulang siguro, nadunggol na sa nguso ang kanilang mga teenager na anak kapag nalamang umiinom ng alak. Salamat sa pagiging bukas ang isipan. Alam ko naman Tay kung saan ang hangganan ko. Hindi ako lagi magpapaka sobra.


Sumobra man o hindi Tay,



Hindi nyo alam na buong buhay ko, pinapangarap ko kayong makainuman ng malamig na San Mig Light. O kahit hindi na San MIg Light. Kahit Gin Bulag na lang, talo-talo na yon, makainuman ko lang kayo. Lahat Tay gagawin ko mangyari lang yon. Kung kinakailangan na maglakad ako ng nakayapak sa nagbabagang uling, sumuka ng refrigerator at tumalon sa pinaka-mataas na building sa Makati kahit na walang sasalo sa'king net, gagawin ko, mangyari lang na makainuman ko kayo.


Natatakot kasi akong sabihan kayong "Tay! Inuman naman tayo." Baka masapak nyo lang ako. Kahit na alam nyo naman kasi na umiinom na ko, maski papaano, andon parin at hindi nawawala yung respeto ko sa inyo.


Hindi man ako palarin na makainuman kayo ngayong birthday nyo, sana balang araw.



Mahalaga sa akin ang kaarawan ninyong ito Tay dahil 60 na kayo.



At pinapanalangin ko sa puong may kapal na maraming birthday pa sana ang dumating sa buhay nyo. Na maraming beses nyo pa kong uutusang bumili ng malamig na Red Horse at sigarilyo sa kanto.


At kahit na kayo ang pinaka-makulit na Tatay sa buong mundo, baduy man pakinggan, mahal na mahal ko po kayo. Kayong dalawa ni Nanay.




Hanggang dito na lang muna siguro Tay.



Happy Birthday na lang ulit.




Palakas pa kayo Tay, para sa mga susunod nyo pang kaarawan, mas engrande. Ipapasara natin ang basketball court sa lugar natin at aarkila tayo ng mga sikat na banda.




Rock-rockan tayo hanggang umaga.. =)














Feeling gwapo nyong anak,

-Julius








Posted by YHOTSKI at 11:58 AM | Ang hindi mapakale

September 12th, 2007

Bawal Mabilaukan

"La la la la la la la
Dare to be one of us, girl,
Facing the android's conundrum,
I felt like I should just cry,
But nothing happens every time I take one on the chin,
You Himmler in your coat
You don't know how long I've been,
Watching the lantern dim,
Starved of oxygen,
So give me your hand,
And let's jump out the window."

-The Shins Australia







Astig ang araw na 'to para sa'ken. Rest day ko kasi. At syempre hindi lang isang araw na pahinga, kundi pumapatak na apat na araw. kung isasama mo pati yung linggong walang pasok.

At syempere uli, makukumpleto ba naman ang mahabang rest day ni Yhotski kung hindi sya manonood ng DVD? Syempre hindi. Kaya kahapon e namakyaw ako ng murang Dvd sa barter. Nahihiya na rin kasi akong manghiram sa kapitbahay naming si Wencie at sa kaibigan kong si Roberto. Kung mahilig kang mamili ng pirated na cd katulad ko, hehe e tiyak alam mo yung barter sa hidalgo. Doon lang kasi maraming murang DVD.

"Suke, magkano to?" Sabay turo sa Dvd na nakursunadahan ko.

Imbes na 'Miss' ang itawag ko sa tindera, 'Suke' ang ginamit ko na salita para talaga 'kunwari' e lagi akong bumibili sa kanya. hehe.. Wais!

"35 lang suke." Sabi ng babaeng tindera.

Kita muna! Epektib yung pagkakasabi ko ng 'suke' Nyahahaha..


Pero teka!

Parang mahal ah. Gogoyoin pa ko nitong babaeng to e mura lang ang mga piratang DVD..

Para paiklin ang kwento.


Nabili ko nga pala ang Dvd na nakursunadahan ko sa halagang 20 pesos isa. At wag ka! 14 in 1 yon.

Sulit!


Laman ng DVD kong nabiling yon ang mga pelikulang sumusunod.

* Disturbia
* Rush Hour 3
* White Noise
* Vacancy
* Evan All Mighty
* The Simpsons Movie
* Die Hard 4.0
* The Condemned
* Harry Potter

At yung lima pang pelikula na nakalimutan ko ang title. : l o l : 

Ilan sa mga pelikulang yon e napanood ko na kanina. Gaya na lang ng Disturbia na hindi pa raw napapalabas sa sine sabi ng isa kong kaibigan. Yung Vacancy, hindi ko naman sana panonoorin. Pero yung namukaan ko yung babaeng bida, napa Wow ako sa tuwa. Akalain mong yung crush ko palang si Kate Beckinsale ang bida doon. Packshet! Kaya walang atubiling pinanood ko kagad sya. Weird nga lang ang pelikula dahil umikot lang lahat sa puro takbuhan. Ewan! Siguro yung direktor ng pelikulang yon e dating 'truck in field' player. haha.. Halos karamihan kasi ng scene doon e tumatakbo si Kate Beckinsale pati yung partner nya. At medyo kulang pa sa gulat kaya hindi ako natuwa. Pero nagandahan ako kay Kate Beckinsale.


At sa tingin ko, mas patok pa rin yung 'Bruce All Mighty' (2003) na pinagbidahan ni Jim Carey kaysa sa sinasabi nilang sequel daw nito na 'Evan All Mighty' Mas nakakatawa pa rin yung nauna. At hanggang ngayon, hindi ko pa din makakalimutan yung sinabi doong isang linya ni Morgan Freeman na syang gumanap na God.

"Do you think people know what they want?"


At kung mahilig ka sa mga violenteng palabas, sa tingin ko kailangan mong mapanood ang 'The Condemned' ni Stone Cold.


Kung ako ang tatanungin, sa tingin ko, mas malupit ang mga stunts na ginawa nila Jacky Chan at Chris Tucker sa pelikulang Rush Hour 3 kaysa sa mga naunang 'Rush Hour' nilang pelikula


Hindi ko pa napapanood ang Harry Potter. Kahit yung mga naunang Harry Potter na pelikula, hindi ko pa napapanood. At wala rin naman akong planong panoorin. Bukod kasi sa baduy ang dating saken ng mga witch, ayaw ko ng nakikiuso gaya ng ilan na masyadong nahihibang kay Harry Potter.




Simula pa nung isang linggo e sira na ang metro ng tubig namin sa opisina kung saan ako nagta-trabaho. Kaya mahigpit naming pinagbabawal ang mabilaukan. At mahigit dalawang linggo na ring nakapaskil sa pintuan ng technical room namin ang katagang

"Bawal Mabilaukan, Sira Ang Metro Ng Tubig"

At ako ang nakaisip ng katagang yan na ikinatuwa naman ng boss ko at ng iba ko pang katrabaho.

Yung 1 bero plus 1 bero equals "2bero" kasing tinatawagan namin e palaging hindi dumarating. Kaya ang nangyayare, sa malapit na 7-Eleven kami bumibili ng maiinom na tubig. Wala naman kasing malapit na "Agua Vida" at "2 big 4 You" dito sa opisina kaya ganon ang nangyayare. Kung wais ka, pwede ka ring magbaon ng sarili mong 'dalawang malaki' (2big) : l o l : 






Nag-aaral nga pala ako ngayon ng Photoshop. Katunayan nga nyan, nanghiram pa ko ng libro kay kaibigang Benedict Benegay para lang magbasa-basa ng sa ganon e makapulot ng kaalaman sa Photoshop. At bago ko makalimutan, (Salamat nga pala kuya Dikoy sa pagpapahiram ng libro..) Soli ko na lang pagtapos kong basahin : s m i l e : 

Medyo may kakapalan nga lang yung librong hiniram ko kay Kuya Dikoy. Pagsama-samahin mo yung anim na libro ni Bob Ong, ganon ka kapal. Kaya kailangang pagtyagaan talagang basahin.

Pakiramdam ko naman, sulit ang pagbabasa ko pagnatapos ko to.








Nung nakaraang linggo nga rin pala e nakasalubong ko na naman si Meg Ryan. Yung babaeng nakwento ko dati sa isa kong blog entry na lagi kong nakakasalubong dito sa pinapasukan kong trabaho. At gaya ng dati, nagandahan na naman ako sa kanya. at nagbanggaan na naman ang aming mga mata. At syempre, may ngiti na namang namagitan. Yihaaaaa..

Pero sayang lang talaga, hindi na naman ako nakadiga. May mga kasama kasing mga kaklase e. Asar!

Sa totoo lang, gustong gustong maraming gusto ko na talagang malaman kung anong pangalan nya. Pero gusto ko rin, sa unang diga ko e mapatawa ko sya. Ganon kasi ako e. Gusto ko, bago ko makilala at makasundo ang isang tao, mapangiti ko muna sya para maging palagay ang loob nya sa'ken at syempre, hindi rin ako kabahan. hehe..  Kumbaga sa Friendster, yun ang email address ko at password para makapag-sign in sa isang tao.


Ano kayang pangalan nya.



Umiinom din kaya sya ng Nestea Apple.



Nanonood din kaya sya ng TV.




Sino kaya ang paborito nyang artista.






GOd!





Crush ko talaga sya. Pramis!











[Cue Stolen by Dashboard Confessinal]





Posted by YHOTSKI at 06:18 AM | Ang hindi mapakale

September 29th, 2007

HATE LATE (Super Herong Jeepney Drayber..)

"And if you have a minute why don't we go
Talk about it somewhere only we know?
This could be the end of everything
So why don't we go
Somewhere only we know"

-Keane Somewhere Only We Know







Matapos kong lantakan ang paborito kong meryenda na ginataang halo-halo kanina, nandito ako ngayon sa isang pipitchuging computer shop sa recto at nagpapalabo ng mata sa harap ng may hepang monitor. Oo! May hepang monitor. Yung kulay dilaw ang liwanag at kailangan mo pang pukpukin kada kinse minuto dahil nagloloko talaga sya. Sabi nang namamahala sa computer shop na 'to, kanina naman daw hindi 'to ganito. Badtrip! Natapat pa saken kung saan ako ngayon sinisipag magkwento. Pagtyatyagaan ko na lang, tutal 10 pesos lang naman sila per hour. Pero yung monitor na gamit ko ngayon, sumisipa sa katotohanan na pang sampung piso lang talaga. Asar!



Nitong mga nagdaang linggo, nadiskubre ko sa sarili ko na may mga nilikhang pagkain na pagnawala sa mundo ay ikamamatay ko.


Una na dyan ang pandesal. Kala ko nga, end of the world na dahil kahapon ng umaga, nung lumabas ako ng bahay para bumili ng pandesal e wala na kong nabili. Alas nuebe pa lang nun nang umaga ha? Ngayon lang nangyare yon saken sa tanang buhay ko. Madalas kasi, dito sa bakery malapit sa'men, kahit alas dose na e may mabibili ka pang pandesal. Kaya ang siste, napadpad ako sa may raon kung saan merong Baker's Fair. Pero pekeng-inis naman! Hindi 'Fair' ang kanilang pandesal. Bukod sa talo na dahil ampaw e pagkamahal-mahal pa. 3.00 isa. Medyo may kamahalan. Kung gawa man sa sementong may graba ang kanilang pandesal e hindi ko alam. Paborito ko lang talga ang pandesal kaya ako napilitang bumili.


Sunod sa pandesal, e ang Safari Chocolate. Bumabalik na naman ang pagka-adik ko sa nasabing tsokolate. Dahil siguro sa merong malapit na mabibilhan mula sa aking pinagta-trabahuan kaya ganon. At mura. 6 pesos lang ang isa. Samantalang sa Isetann Recto, 7,50. Natutuwa nga saken yung tindera kapag bumibili ako. Kulang na lang kasi e pakyawin ko. Ang hindi nga lang nya alam, sinasamantala ko lang dahil mura. : l o l : 



Tatlong araw na akong palaging late sa tuwing papasok ng trabaho. Maganda na nga ang oras ng pagpasok ko dahil hindi mabigat sa paggising, nalelate pa rin ako. Isipin mo ba naman, 10:30 ng umaga? San ka pa! Pero ako, dumarating na sa opisina mga bandang 11 ng umaga. Paano ba naman kasi, ang hirap mag-adjust sa kahabaan ng Taft. Hindi ko makalkula kung anong oras ang tamang alis ko ng bahay para lang sakto akong makarating sa pinapasukan ko. Ayoko naman yung sobrang aga dahil wala naman akong gagawin. At hindi lang yon, Napansin ko rin na dumura lang ng konti ang langit e nagbabaha na sa kahabaan ng Taft. Lalong lalo na doon sa bandang Pedro Gil. (Napansin nyo bang nagdadahilan lang ako?) hehe.. Pero wala naman silang masasabi sa trabaho ko dahil pulido. Yun nga lang, pagdating sa pagpasok. doon ako talo. Hindi ko hahayaan maging ganito. Kailangan makahanap ako ng solusyon.





Muntik na nga pala akong maholdap nung huwebes pagka-uwi ko. Alas onse na yata yon ng gabi. Merong sumakay sa sinasakyan kong jeep sa bandang Pedro Gil na apat na lalake. Mga lima kaming nasa loob na pasahero. Naging siyam nung sumakay yung apat na holdaper. Ang istilo ng sakay nila e watak-watak. Merong isang sasakay sa harap. (yung sa tabi ng drayber?) Tapos yung iba doon na sasakay sa likod at makikipag-siksikan sa inyo. E ako, doon nakasakay sa harap. (dahil paborito ko yong pwesto) Tumabi ngayon sa'ken yung isang myembro ng holdaper. Isang mama na may kalakihan ang katawan. Kung gugulpihin nga ako nitong mamang 'to nang Lunes, baka Biyernes na ang gising ko. At hindi lang basta-basta malaki ang katawan nya. Bigotilyo sya na mukha pang goons sa mga action na pelikula. Kinabahan talaga ako. Pero hindi dahil sa mga holdaper sila. Kinabahan ako dahil bente pesos na lang ang laman ng bulsa ko nun. Wala naman akong alahas at mamahaling cellphone na maibibigay sa kanila kung sakali mang magdeklara na sila ng holdap.


Kung meron man akong naiisip nung mga sandaling yon e yung sasaksakin na lang ako ng holdaper na katabi ko nang walang kalaban-laban. Parang nai-imagine ko kasi yung mangyayare kapag nag-declare na ng "Holdap 'To" yung mga gago.


Sabay-sabay silang sisigaw ng


"Holdap to!! Walang kikilos na masama, puro mabuti lang!" : l o l : 


Tapos ang susunod na mangyayare. Isa-isa na kaming tutukan. Kung patalim, baril, o kanyon man ang itutuk sa amin e hindi ko na alam. Tapos pipilitin kaming ipalabas kung ano man ang mga mapakikinabangan nila sa'min. Pag ganon na ang nangyare, Shit! Anong ilalabas ko? Yung pinakatatago-tago kung bente pesos sa bulsa? Syempre wala naman silang mahihita sa'ken kaya ang mangyayare, sasaksakin na lang ako ng tarantadong holdaper sa tabi ko.


Tsak! Tsak! Tsak!




Sa tatlong saksak na yon natapos ang karir ni Yhotski. Walang kwenta. Parang tagalog na pelikula na maliit lang ang budget.





Buti na lang mabilis makatunog yung drayber ng jeep na nasakyan ko nung mga oras na yon. Hindi pa kami lumalagpas ng Padre Faura, Nangibabaw na yung boses ng super hero naming drayber.



"Mga bwakananginanyo!! Mag-sibaba kayo dito. Hahambalusin ko kayo ng tubo ko!!!"


Ang mga sumunod na nangyare, huminto yung jeep na sinasakyan namin. Tapos nun, mabilis ng nagbabaan yung apat na holdaper.






Salamat sa super hero naming drayber.







Kanina, bago ko simulan ang pagta-type nito, Naisipan ko munang pumasyal sa
www.tristancafe.com/forum para magbasa-basa ng hindi sinasadyang makita ko na may nagrepost ng dati ko ng artikle dito sa Tristancafe. Kahit na walang pahintulot saken ang nagpost nun, hindi ko na ikinagalit dahil may nakasulat namang "By YHOTSKI" Naisip ko tuloy (sikat na pala 'ko.) Kina-copy paste na ang mga obra ko. hehehe.. Pero syempre "naiisip" ko lang naman yon. Hindi ko ginagawang "feeling" Mahirap kasi pag ginawa mo nang "feeling" na sikat ka na. Kasunod na nun yung paglaki ng ulo mo hanggang sa maging mayabang ka na. (ayoko pa namang humantong sa ganon) Pero hindi sa pagmamayabang, marami-rami na ring tao dito sa Internet ang nakakapansin ng mga pinagsusulat ko. Kung ang bawat papuri nga lang ng mga tao dito saken sa Internet ay nagkakahalaga ng libo, malamang, isa na akong milyonaryo. Kahit na ang totoo ay wala namang ibang dahilan kung bakit nagsusulat ako dito. Sabihin na lang nating, isa itong gawain para saken na ikinaliligaya ko. May mangilan-ngilan din na nag-e-mail pa para lang sabihin na "ang galing ko daw" "bakit hindi ko raw subukang gumawa ng libro" (Para namang kaya kong magsulat ng libro.) "para daw akong si [Ilagay dito ang kilala mong sikat na author]" Merong nagsasabi na ginagawa daw nilang panghimagas yung mga blog entry ko pagkatapos nilang mananghalian sa opisina nila. Merong nagsasabi na nakakatanggal ng strees ang mga blog entry at artikle ko. Meron naman, nakukuwang pang maging narrator para lang ipahayag sa kaibigan nya ang mga sinusulat ko. At meron din mga talagang sumusubaybay sa mga nasusulat ko. Sa totoo lang, nakakataba ng puso ang mga malokong paghanga na yan. Dahil ang totoo, hindi naman ako karapat-dapat na hangaan. Hindi ako gwapo, matalino, astig, at kilalang tao. Kahit sino naman, kayang magsulat gaya ng pinagsusulat ko dito.



Ganon pa man, maraming maraming salamat po sa mga humahanga at nagbabasa.





Ito nga pala yung link nang nag-post nung dati ko ng artikle. Baka sinisipag ka pang magbasa, click mo lang sa ibaba yung link. : s m i l e : 




http://www.tristancafe.com/forum/123735



























Hi nga pala sa isa kong katrabaho na masugid na nagbabasa ng mga post ko sa blogs. =p











Posted by YHOTSKI at 08:07 AM | Ang hindi mapakale