October 2nd, 2007
Special Request
I'm letting you down
I'm dancing til dawn
I'm fooling around
I'm not giving up
I'm making your love
This city's made us crazy and we must get out"
-Maroon 5 Must Get Out
Nakahanap na nga pala ako ng solusyon sa palaging late na pag-pasok ko sa trabaho. Walang iba kundi ang LRT1 Station. Kalkula ko na ngayon kung anong oras ang alis ko ng bahay at kung anong oras ang dating sa trabaho kong papasukan. Kung pag-uusapan naman ang pamasahe, wala ring problema, 15 Pesos lang mula 'Carriedo Station' kung saan ako sumasakay sa umaga hanggang sa 'Vito Cruz Station'. Kapareho lang din ng sa Fx. May Libreng dyaryo pa! hehe.. Sa totoo lang, yung dyaryo na Libre ang nagpapaganda sa umaga ko kapag papasok ako. Parang ang dating kasi saken, kalahati na lang ang bayad ko sa pagsakay sa LRT1.
Pero ang problema lang,
Kung sa Fx na ang ikinaba-badtrip ko ay ang pagiging siksikan na para na kaming mga sardinas sa loob ng lata, dito sa LRT, ang kinaaasar ko naman e yung mga ilang pasaherong tulad ko na nakahambalang sa pintuan (yung kapag sasakay ka na at bababa e nakaharang sa pinto?) Hindi pa naman sila bababa. Kanina kasi, muntik na kong maipit ng pinto ng LRT1 dahil sa mga walang konsiderasyon na ilang pasahero. Papasara na nun yung pinto, ayaw pa ring magsitabi. Parang ayaw magpasakay. Yung tipong tumutunog na yung baser at umiilaw na yung yellow light sa may pinto e nakaharang parin. E papasakay ako, potek! Talagang maiipit ako. At buti na lang kamo hindi ako ang naipit kundi yung bag ko. Pag nagkataon, makakabalita ka ng isang pasahero ng LRT1 ang nanglaglag ng kapwa nya pasahero sa "Central Terminal Station" Swerte ko lang talaga dahil bumubukas pala uli ang pinto nun pag may naiipit na pasahero.
Kung Lasalista ka at disgrasyang nabasa mo ang blog entry kong 'to, o kung hindi ka man Lasalista at nakatira ka malapit sa EGI Taft Tower, itatanong ko lang sana kung saan makakabili ng ulam na gulay tuwing tanghali. Mula kasi ng pumasok ako dito sa bago kong trabaho, puro karne na ang inuulam ko. Hindi na ko nakakatikim ng gulay. Syempre, maski papaano, gusto ko rin namang lagyan ng Kulay ang aking Buhay sa pamamagitan nang pagkain ng berdeng Gulay. Bukod kasi sa mahal ang mga pagkain dito malapit sa trabaho ko, wala akong mahagilap na mabibilan ng gulay. Meron isa, doon malapit sa Quirino. Isang Karinderya. Kaso lang, nung minsang tanghali na kumain kami doon, umorder ako ng pakbet, Langya! Kulang na lang e isuka ko yung inalmusal ko. Yung sabaw ng pakbet bukod sa hindi masarap, lasang Burlington Socks. Para ka na ring kumakain ng paa. haha.. At isa pa, sobrang layo nun sa pinapasukan kong trabaho. Hindi ko pwedeng lakarin. de-commute. Kung lalakarin ko naman, tiyak pag dating ko sa EGI e gutom uli ako.
Fire In The Hole!!
Meron nga pala akong bagong kinalolokohang laro sa computer. Ang laro na yon ay ang WarRock. Parang Counter-Strike din yon. Pero mas maganda dahil ang bagsik ng mga sound effect. Para ka na rin talagang nakikipag-barilan. E ako pa naman, kapag naglalaro nun e maligalig. Tipong may sigaw na, may halong pangangantiyaw pa. Asanes!! At kahit nga napatay ko na at nakabulagta na, binabaril ko pa rin. Mahirap na! Baka kasi bigla uling mabuhay at makaganti gaya doon sa mga napapanood kong gasgas na tagalog action film kung saan kahit tinadtad na ng bala, nabubuhay pa. hehehe
Special Request
Kung bakit yan ang napili kong title sa blog entry na 'to ay dahil para talaga sa isa kong kaibigan ang blog entry na ‘to. Nag-request saking i-blogs ko raw yung minsang kami’y nag-inuman. Nakakahiya namang tanggihan dahil dinaan nya pa sa pagko-comments sa'ken sa Friendster ang kanyang request. Kaya ang totoo, yung mga nabasa nyo sa itaas, introduction pa lang yan. Pero ang dahilan talaga ng pagba-blogs kong ito ay para ikwento ang minsang pag-iinuman namin ng kaibigan kong si Nino Jesus Macalanda (O, ayan ha? special mention ka na dito sa blogs ko. Hehehe..) Pati na rin ang matalik kong kaibigan na si Oliver Rey Saclay. (Nakzz! complete name sila pareho.. hahaha)
Hindi na importante ang petsa kung kaylan kami nag-inumang tatlo, Pero nag-enjoy talaga ako sa inumang yon sa loob ng kwarto ni Kalbo (tawag ko sa matalik na kaibigan.) Sa tulong ng apat na malalakas na Redhorse mutcho na pinagsaluhan nilang dalawa, at Anim na San Mig Light na sa akin naman ay nagpapula, Isang inuman ang nangyare sa maliit na kwarto na may ubod at wala na yatang lalakas sa inilalabas na lamig na nagmumula sa maliit na Air-Condition. Paki-wari ko nga, kahit yata Polar Bear e sisipunin sa kwartong yon ni kalbo.
Hindi naman talaga ako pala-inom na tao. Napagtripan lang naming tatlo na mag-inuman, tutal, minsan na lang kasi 'to nangyayare dahil may mga kanya-kanya na rin kaming trabaho. Mula alas-onse ng gabi hanggang ala-sais ng umaga, hindi kami napigilan sa pag-inom at pagkanta.
Well, simple lang naman ang nangyare sa inuman session na 'yon. Uminom lang kami, nagkwentuhan, dumampot ng pulutang V-Cut, habang nanonood sa Yu-tyube ng concert ng Kamikazee na nauwi sa disaster na kantahan. Ang promotor, si Kalbo. Ewan! Nasa-kundisyon siguro magkakanta dahil naka-kuwa na mataas na score ng minsang mapasama sa ilan pa naming kaibigan sa inuman at mapasabak sa Videoke, kaya yon, lahat ng maisipan naming kanta, isang search lang sa Yu-tyube. At syempre, para masaya talaga ang kanta, ang pase-search na yon ay may karugtong sa dulong "With Lyrics" Patay kayo dyan!! Umaatikabong kantahan talaga 'to. Kahit na ni isa sa amin e walang pinalad maging kaboses ni Michael Buble, sige lang sa pagkanta. Kung pinapanood mo nga kaming tatlo habang kumakanta nung gabing yon, malamang, gumugulong ka sa katatawa. Kasi trying hard talaga kami sa pagkanta. Ang dami naming kinanta. Ang mga natatandaan ko, Una na naming kinanta e ang paborito ni Onin na I'll Be There na kinanta daw ni Martin Nyebera. Shit! Umuulan ng kabaduyan 'to. Pero sige lang. Kahit na wala sa tiyempo at hindi alam ang lyrics, sunod lang sa takbo ng kulay na nagmumula sa letra sa harap naming monitor na nagtutulak sa'ming tatlo para lalong kumanta. Pero iniisip rin naman namin nung mga sandaling yon ang mga kalagayan ng mga taong papauwi na galing sa trabaho na mga walang baong payong (Baka kasi biglang umulan.) Tapos nun, ang mga sumunod na naming kinanta ay Fruitcake, Minsan, Julie Tearjerky, Kamasupra ng E-heads. ("Mahal kita. Pero miss na miss na miss ko na Ang aking kama. At ang malupit kong unan. Ba't di ka na lang sumama, Hihiga tayo at Kakanta..")
Mga kanta ng Orange & Lemons. ("Umuwi ka na baby.. Umuwi ka na babyyyy!") Pati na rin ang mga kanta ng Rivermaya Bring Me Down, Balisong, 241 (My Favorite Song) at Liwanag Sa Dilim.
"Isabaw mo
Sa Kanin
Ang Ihi ng Kambingggg
Liwanag Sa Dilimmm"
May mga mangilan-ngilan ring RNB na lss ko lang dati sa Fx. Yung natatandaan kong kinanta namin, 'Beautiful Girl' at 'Bartender' na hindi ko alam kung sino ang artist na kumanta. . Pero pwede na rin yung lyrics.
"I like the bartender
(Oooo If you're lookin' for me)
I'm at the bar with her
(Uh-huh, Ok)
I like the bartender
(Yeah if you're lookin' for me)
I'm at the bar with her
(Oooooh Uh-huh, Ok)"
Kung kumikidlat, kumukulog, bumabagyo, at bumabaha na ng mataas nung mga oras na yon sa labas ng bahay ni kalbo dahil sa aming pagkanta e hindi ko na alam. Pero sa totoo lang, masaya. At kung nababaduyan ka na sa aming tatlo, pwede mo na ngayong paandarin ang mouse mo para i-click yung X (close) sa bandang kanan sa itaas, dahil sa totoo lang, kami din nababaduyan na sa sarili namin. Hehe..
Sayang nga lang talaga at maagang nakatulog si Onin dahil sa sobrang kalasingan at sa kaka-kwento tungkol sa kanyang pinagpa-planuhang ligawan. Hindi nya tuloy nakita/narinig nung kinanta ko yung "Sa Iyo" ni Sarah Geronimo.
