Entries for December, 2007

December 17th, 2007

Ninong Yhotski

"And I said what about "Breakfast at Tiffany's?
She said, "I think I remember the film,
And as I recall, I think, we both kinda liked it."
And I said, "Well, that's the one thing we've got."

-Deep Blue Something, Breakfast At Tiffanys









Kinailangan kong gumising ng maaga kahapon para sa isang binyag. Binyag ng panganay na anak ng kaibigan ko. Kinuwa akong ninong. Isang mabilis na ligo, isang mabilis na almusal. Suot ang lumang lonta at polong puti. Ngayon na lang uli ako nakapag-suot ng polo sa buong buhay ko. Kung hindi nga ako nagkakamali, yung huling suot ko ng polo e nung naga-apply pa ako ng trabaho. Madalas kasi, nagti-t-shirt na lang ako. Kaya naman kahapon paglabas ko ng bahay e lahat ng makasalubong kong kakilala, ang bati sa akin ay “Tatakbo kang kagawad?” hehe..



Mukha raw kasi akong kagagalang-galang sa suot ko.




Alas-onse ang binyag. Alas-diyes pa lang, nakagayak na ko. Nung pumunta na ‘ko sa simbahan mag-isa (dahil naiwan na ko ng service na sasakyan) e wala pa yung kaibigan, asawa ng kaibigan ko pati na rin yung anak nilang bibinyagan sa simbahan na syang magiging inaanak ko. Mabagal na nga akong kumilos malay ko bang mas mabagal pa sila. Malamang, na-traffic yung sinasakyan nilang sasakyan. Kaya nung pagdating ko sa simbahan. Ibang okasyon yung napasukan ko. At hindi sya binyagan. Kundi kasalan. (Shit! Ang tanga ko. Hehe..) Buti na lang, pasimple akong lumabas sa gilid ng simbahan na may halong kahihiyan.




Makalipas ang dalawang siglo, dumating na rin sa wakas ang magaling kong kumpare. Kasama ang kanyang asawa pati na rin ang cute kong inaanak. At may back-up pa syang mga iba ring magiging ninong. Ang ilan sa mga magiging ninong e kapitbahay lang namin. Kaya masaya sa loob ng simbahan. Kahit na mainit at matagal dahil sa sobrang dami ng sanggol na bibinyagan. Mantakin nyo ba namang 47 na baby ang bibinyagan, at sandamukal ang mga ninong at ninang nung mga oras na yon. Kaya ang itsura namin nung mga oras na yon, para kaming mga nasalanta ng bagyo na nag-aabang ng may ipamimigay na relief goods. Hehehe..




Sa mahigit isa’t kalahating oras na binyagan na yon sa loob ng simbahan (pero nasa gilid lang naman talaga ng simbahan at wala sa loob..) E ayos na rin. Kasi maski papaano, masaya.








“Si pareng yoyot wala pang kutsara!” sabi ng kumpare ko sa mga kapatid nyang nag-a-asist sa mga kumakain ng makakuwa na ko ng plato.




Sa tapat lang ng bahay nila ginanap ang reception ng binyagan. Doon lang kami sa ilalim ng toldang pagmama-ayri ni dating Vice Mayor Danny Lacuna kumakain. May mahabang lamesa na may mantel na pula. Tamang-tama ang haba ng lamesa para sa mga gutom na sikmura ng mga ninong na nagsipunta.





Maraming potahe ang nakahanda. Ibat-ibang klaseng ulam. Sa sobrang dami nga ng pagkain, yung ulam pwede mo ng gawing kanin.




Ang nilantakan ko lang sa maraming pagkain na yon e yung ulam na menudo, embotido, isang katerbang kanin at malamig na Coke sakto. Dighay! Solb.





Yung regalo kong damit na terno na binili ko lang sa SM Carriedo na worth P200 e binigay ko sa kumpare ko pagkatapos kong lumamon. Hehe.. Kasunod na rin ng pagbibigay ng regalo na yon ang pakikim ko na tinernuhan ko ng gasgas na linya ng isang ninong




“Pasensya ka na muna dito pare. Bawi na lang ako sa Pasko..”






Nadagdagan na naman ang inaanak ko.









Kung meron man akong pinanghihinayangan nung linggong yon e yung naunsyame naming pagkikita-kita ng mga dati kong kaklase sa kolehiyo.






Ang akala ko, pagkalipas ng mahigit dalawang taon, magkikita-kita na kami.




Hindi pa pala.






Sayang. Mukhang hindi na naman magiging perpekto ang Pasko kong ito.







Posted by YHOTSKI at 11:48 AM | Ang hindi mapakale

December 22nd, 2007

Malamig Ang Pasko

"Am I gonna be lonely for the rest of my life
Am I gonna be lonely for the rest of my life
I'm gonna be lonely for the rest of my life
Unless you come around, so come around"

-Rhett Miller, Come Around








Inutusan ako kanina ng erpat ko sa may Raon. May pinapahanap sa'king isang bagay na tanging doon lang daw mabibili. At dahil sa mahirap hanapin ang bagay na pinabibili nya, sumuko na din ako at naisipang maglakad-lakad sa kahabaan ng Recto. Pagkatapos magpalamig sa loob ng Isetann, tumingin ng sapatos sa Cartemar, at magbasa-basa ng libro sa National Bookstore, umabot ang mga paa 'ko sa kanto ng Lepanto na kung saan nakita ko ang dilaw at makintab na higanteng letter M na tila ba inaakit ang aking gutom na sikmura.



Maliban sa barya, may limang daan ako sa'king bulsa. Limang tagbe-bente pesos at apat na tag-iisang daan. Three hundred doon ay kay erpat, 'yung dalawang daan sa'ken. (Ahem! Ahem!) Siguro naman sa halagang two hundred pesos may karapatan akong pumasok at kumain sa McDonald's? At kung tutuusin, pwede pa kitang ilibre.



Matapos kong pumila, maka-order ng coke at french fries, sinabi ng babaeng kahera na hintayin ko na lang raw muna ang Cheezeburger na kasama sa inorder ko.



"Sir, mga 10 minutes lang po!"



Maghintay.



Ganoon na nga ang ginawa ko.




Sinipat ng aking mga mata kung saan merong bakanteng upuan para makapaghintay. Nang makakita, naglakad na ako dala ang pulang tray na may nakalagay sa ibabaw na coke, french fries, tissue, dalawang pakete ng ketchup. resibo, at table number bilang patunay na meron nga akong Cheezeburger na hinihintay. Panandaliang pang sumagi sa isip ko na pagtripan ang service crew na magdedeliver ("Ano kaya kung itago ko yung table number?") Pero hindi ko na rin tinuloy ang maitim na balak. Wala ng oras makipaglaro. Tom Jones na'ko.



"Jenny" ng The Click Five ang background song ngayon dito sa loob ng McDo, pero "Come Around" ni Rhett Miller ang lss ko.




Sa bandang likod ko nakaupo ay apat na magba-barkada. Sa bandang kanan ay mga magkaka-klaseng nag-aaral sa UE na hitik na hitik sa pagkwe-kwentuhan tungkol sa kakatapos lang na exam nila. At sa tapat ng aking inuupuan ay dalawang magkasintahan na isang libong beses na yatang nagsusubuan ng french fries. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa kanilang dalawa. Para kasing napaka perpekto ng mundo sa kanilang dalawa. Parang wala silang pinuproblema.




Kung napanood muna yung commercial dati ni Piolo Pascual at Isabel Oli sa Max Fried Chicken, ganun na ganun ka sweet yung magkasintahan sa aking harapan. Ang pinagkaiba lang, hindi wishbone ang hawak nila, french fries.


Gustuhin ko mang lumipat para hindi na sila makita e hindi ko magawa. Walang ng ibang bakanteng upuan.



Hindi tuloy maiwasang mag-senti. Ilang Pasko na ba ang dumaan na lagi akong ganito. Mag-isa. Lagi na lang may mga taong dumarating sa buhay ko para lang pansamantala akong pasayahin. Puro walang katiyakan. Walang pinatutunguhan.



Kasalanan ba kung hilingin sa Diyos na maging hardisk ang isang tao? Na kapag nalulungkot ng ganito ay pwede i-reformat para sumaya?!



Mas masarap sanang kumain dito sa McDo ng may special na kasama. Yung tipo ng kasama na ultimo puso mo bubusugin nya.



Ginagago ko na naman ba ang sarili ko nito kakaisip?



Haaaaaaaay




Magiging masaya din ako.




Magiging masaya din ako.





"Sir! Eto na po yung Cheezeburger nyo."




"Salamat!" Sabay abot ng table number sa kanya.




"Sir meron pa po bang kulang?"





Patlang.






"Oo, may kulang pa. Hindi nga lang pagkain."









Kung bakit kasi nag McDO pa 'ko e.











Posted by YHOTSKI at 06:28 AM | Ang hindi mapakale

December 26th, 2007

TXT BCK ASAP!

"It was you who put the clouds around me.
It was you who made the tears fall down.
It was you who broke my heart in pieces.
It was you, it was you who made my blue eyes blue.
Oh, I never should have trusted you."

-Eric Clapton, Blue Eyes Blue











Hanep talaga sa marketing ang mga telecom companies ngayon. Si Dianna Zubiri na binubuhat ng ilang mga lalake habang tumatawag sa cellpone. Si Dennis Trillio na naubusan ng load at nastranded sa isang sasakyan habang bumubuhos ang malakas na ulan. Biglang nagtext ang kunwari nyang girlfriend na si Iza Calzado ng “Wr u na?” Si Vilma Santos at anak nyang si Luis Manzano habang pinag-uusapan lang pala ang isang aso. Si Cesar Montano na walang ibang inatupag kundi ang itaas ang cellpone nya at magtotodo-tawag, todo text. Si Iya Villania na nakuwa pang magtext kahit na gusto na syang lapain ng manananggal. Si Kc Concepcion na nagpapa-cute para hikayatin ang mga tao dahil daw sa ‘Ayt’ kapag lumipat ka sa ineendorso nyang sim card. At ang isang maskoladong lalake na mukhang nakatakas sa Mental Hospital na naisipang tumalon sa sinasakyan nyang kabayo at nagsisigaw ng “Text! Text! Text! Text! Text! Text! Text! Tsiing!” Walastik talaga! Ang galeng.. Medyo nalilito tuloy ako ngayon kung anong sim card ang mas matipid gamitin.





Meron na kasi akong cellpone. Bagong bili. Sa totoo lang, hindi naman ako mahilig sa cellpone. Lalo na yung mga mamahalin. Takaw nakaw lang yung mga ganong klaseng cellpone. Isa pa, kaya ko namang mabuhay sa mundo kahit na walang cellpone. Kailangan ko lang talaga sa trabaho kaya bumili ako. At feeling ko lang kasi, ako na lang ang walang cellpone sa buong mundo.. Medyo maganda yung cellpone na nabili ko. Sa tingin ko nga, ito na ang pinakamagandang cellpone na naimbento ng Nokia. Bukod sa magaan at malambot na keypad na para ka lang pumipindot ng unan, colored screen pa to. May 1.3 megapixel resolution na camera, mp3, Bluetooth, radyo, at wag ka?! Expandable memory pa! haaaaaaaaayy. Kapag sinuswerte ka nga naman. Ito na siguro ang una at huling cellpone sa buhay ko. At sana lang, wag akong maging alipin sa mga salitang, “Were na u?” “Dito n me!” gaya ng mga salitang kumakalat ngayon sa mundo ng cellpone.




At syempre! Kapag may bago ang isang tao, hindi maiwasang maipakita (maipagyabang) sa mga kakilala. Pero imbis na matuwa ako dahil may bago na kong cellpone, iba ang nangyare. Ang isang katrabaho ko e ininsulto lang ako. Nang minsang plano kong kunin ang number nya at nakita nya ang cellpone ko, mantakin ba namang lait-laitin ang unit ko. Kesyo hindi naman daw kagandahan. Kesyo mukhang madali naman daw masira. At nagbigay pa sya ng suggestion na sana raw, N70 na lang ang binili ko. (para namang may pambili ako ng N70.) Dahil sa magaling akong mambasag ng mga ganitong tao na ang alam lang e magyabang, hiniritan ko sya ng salitang ikababagsak ng buong pagkalalake nya. “Sige, pautangin mo ko pambili ng N70?!” Tumahimik ang mokong at sabay banat ng “Wala akong pera e! Nasa girlfriend ko..” hahaha.. Kukuwa lang ng wallet, meron pang dalawang paa. Kung sabagay, naitutupi at naibubulsa nya naman ang girlfriend nya. Hahaha.. (Ang sama koh..)







1
Message
Received



Teka lang, may nag-text saken.



“Kuya, hiniram ko nga pla ung mp4 mo, knuwa ko n lng sa cabinet mo. Wla k ksi e. hehe..” –yang



Kapatid ko lang pala. Kala ko kung sino na.




Balik sa kwento.






Simula ng magkaroon ako ng cellpone, hindi na ko tinatantanan ng isang pamangkin ko sa kakahiram. Maya’t-maya na kong kinukulit. Palaro daw ng Highway Racer. Ito yung magandang laro sa cellpone ko bukod sa Golf na hindi ko naman alam laruin. E ako, syempre, ayoko. Kung masira kagad?! Hehe.. Madiin na nga akong pumindot sa keypad, ipapalaro ko pa sa kanya. Lagi ko na lang dinadahilan sa kanya e nakakabagal ng cellpone yung mga games kaya binura ko na. (Shit! Ang damot na tito..) hehehe.. Kaso, talagang makulit yung pamangkin kong yon. Ang motto yata sa buhay e ‘To see is too believe” kaya lagi nyang sinasabi saken kapag nagdadahilan ako. “Patingin nga, kung binura muna?!” Kaya kapag ganon na, wala na kong magawa. Sa kanya na ang cellpone ko hanggang sa ma-low bat.




Kapag nagte-text nga pala ako, hindi ako matipid sa letra. Hindi ako sanay ng ginagawang barok yung pagte-text. Hindi ko trip yung short cut text. Halimbawa yung salitang “Ikaw” Yung iba kasi, sa halip na buuin ang salita na yan, ang tina-type na lang e “Ikw” na lang talaga. Para kasi saken, kunsiderasyon lang sa babasa ng text mo. Ano ba naman kung dagdagan mo na ng isang letra para mas kaaya-aya basahin diba? Hindi naman nakakasagabal sa buhay mo kung dadagdagan mo pa ng isang letra ang salitang yan. At kung tutuusin, mas okey nga basahin. Ikw? Ganyan din ba mag-text? Hehe..



Sa ngayon, nalilito pa rin talaga ako kung anong sim card ang bibilhin ko. Pero plano ko na lang mag-Smart. Sa bahay kasi, lahat ng kapatid ko naka-Smart. Ako lang at Tatay ko ang naka-Globe. Hassel pa naman minsan dahil tine-text lang ako ng Tatay ko para utusang bumili ng sigarilyo. Hehe..




Salamat nga pala kay Magz na unang bumati saken ng “Merry X-Mas!“ sa cellpone.



Salamat sa lahat ng bumati sa’ken nung Pasko.



At kay Lovely na nagpasaya sa Pasko ko, dahil kahit na madaling araw na nun at medyo bangenge na ko sa alak habang kainuman ang ilang kaibigan e nakuwa pa rin akong i-greet ng “Meyi Ismas!” sa cellpone. (kung alam lang nya na text nya talaga ang hinihintay ko nung notse buena..)












“Text! Text! Text! Text! Text! Text! Text! Tsiing!”

















Posted by YHOTSKI at 06:11 AM | 3 Ang hindi mapakale