January 2nd, 2008
Taunang Kalampag
"But you're waiting at the door where everybody's hanging out just like they hung out before
You didn't have to do it but you did it to say
That you didn't have to do it but you would anyway
To give you something to go on
When I go off, back to the middle of nowhere
To give you something to go on
When I go off, back to the middle of nowhere"
-Hot Hot Heat, Middle Of Nowhere
Nung nakaraang araw. habang nakasakay ako sa jeep, merong dalawang magkaibigan na babae ang nagkwekwentuhan o siguro mas magandang sabihin na nag-tsitsimisan ang naririnig ko. Katabi kasi nila ako kaya dinig na dinig ko yung pinag-uusapan nila. Hindi ako tsimosong tao. Gaya nga ng nasabi ko dati, ito lang talaga ang libangan ko kapag nakasakay ako sa pampasaherong sasakyan. Mapa-jeep, bus, fx o Lrt man. Ang makinig sa pinag-uusapan ng mga nakakatabi ko.
Ang pinag-uusapan nila e tungkol sa isang babaeng kakilala nila (syemre uli, hindi ko kilala) na maaga raw nabuntis at nakapag-asawa. Ang masaklap lang nun, yung napangasawa daw ng babae e walang trabaho. Sayang pa naman daw yung babae dahil batang-bata pa talaga. At ito daw lalakeng napangasawa e walang trabaho, nangungutang lang sa mga magulang at kapatid para may maipanggatas ng naging anak nila.
Hindi na iba saken ang ganitong klaseng pangyayare. Yung may babaeng maagang nabubuntis at nakakapag-asawa. Dito lang sa lugar namin, may mga nakikita akong bata pa lang e mga buntis na at may asawa.
Ayaw kong manghusga ng kapwa ko, pero ang hindi ko maisip sa ilang mga tao e kung bakit atat na atat makapag-asawa. Yung walang preperasyon. Ako kasi, ang isang adhikain ko pag dating sa ganitong mga usapin ay ayaw ko munang mag-asawa at magka-anak ng wala akong matinong trabaho na sumasahod ng matino at kayang bumuhay ng isang pamilya. Na wala akong matinong bahay na may kuryente, tubig na dapat ay tirhan ng aking magiging pamilya kung saka-sakali mang akoy makakapag-asawa.
Oo! Kung iisipin mo, masarap ang magkaroon ng anak hanggat bata ka. Yung tipong lalaki yung anak mo na halos kasabayan mo na. Yung tipong hindi nagkakalayo yung edad nyo na para lang kayong magbarkada. Maganda yon kung mayaman ka. Pero kung mahirap ka, paano mo bubuhayin at papakainin yung magiging pamilya mo kung wala ka namang matinong trabaho na kayang bumuhay ng isang pamilya?
Sana hindi lang ako ang nag-isip ng ganito.
Kanina, nanonood ako ng 24 Oras ng ibalita na hanggang sa mga araw na ito ay marami pa rin ang isinusugod sa hospital dahil sa disgrasya sa paputok. Yung iba, hindi paputok ang dahilan ng pagsugod sa hospital, kundi mga nakipag-away dahil sa sobrang kalasingan. At kahit sa "Baseco" at "Parola" na pareho daw depress area ng maynila, Magulo pa rin daw ang naging salubong sa taon ng mga Daga.
Nagpaputok din ako kagabi. Pero yung chikbom lang yung pinaputok ko. Kung hindi mo alam to, ito yung parang palito na kinikiskis sa (syempre saan pa? kundi sa kiskisan ng palito.) hehe.. Mga isang kahon lang nun, tapos ayaw ko na. Syempre, marami pa kong pangarap sa buhay. Iba na yung nag-iingat. Mas masarap mabuhay ng kumpleto ang mga daliri sa kamay. hehe..
At nga pala, may nadiskubre akong bagong pangalan ng paputok. "Goodbye Philipines" ang pangalan na kagabi ko lang narinig at natuklasan. Sabi ng kaibigan ko, malakas daw yung paputok na yon. Medyo sa pangalan pa lang e kakabahan ka ng paputukin. Kung taga-Luzon ka ngang tulad ko, malamang pag-hawak mo yung paputok na yon, maiisip mo yung mga kapitbahay mong nakatira sa Visaya's at Mindanao bago mo paputukin. Grabe pala kung pumutok yon! Matatanggal talaga yung mga namamahay mong tutuli sa tenga. Sa sobrang lakas nga, nung pinaputok ng kapitbahay namin, muntik na kong mapautot sa gulat. hehe..
Masaya ang New Year saken kaysa Pasko. At hindi nawawala sa celebration ng New Year ang pag-inom ng alak. Oo! Nag-inuman kami ng mga kaibigan ko, ilang kakilala at kapitbahay. Masaya dahil sila yung mga kaibigan ko na talagang kasama kong nagsilakihan. At ilang kapitbahay na halos sa araw-araw na ginawa ng diyos ay nakakasalamuha ko at nakakabatian.
Maraming Salamat Nga Pala sa nag-greet saken kahapon.
Happy New Year sa inyong lahat.

Posted by YHOTSKI at 05:11 AM | Ang hindi mapakale