February 6th, 2008
Zaido, Jumong At Ang Mamang Ngetpadudels Sa LRT
"But of course it's not polite
To ask you where you spent last night
And if I did you might reply
That I have no right
And anyway I'm fine
Glad that you're no longer mine
If I should tell a lie
I'll cross my heart and hope to die"
Everything But The Girl, Cross My Heart
Bakit may mga taong iba kapag ka-text mo at kapag kausap muna talaga? Yung sa text e parang maligalig at madalas ang paggamit ng “hehehe!” at “hahaha!” Pero kapag kausap mo naman ng harapan ang tipid magsalita. Parang naka zipper yung bibig at mababali yung panga kapag tumawa? kapag nasasalubong mo e kaway lang ang madalas gawin sayo? Minsan babatiin ka, pero parang himala yon kung mangyare. Parang kaplastikan na nakakaloko kasi ang dating saken e. Hindi ko tuloy alam sa kanya kung totoo sya saken o ano. Gusto ko pa naman syang digahan kahit na alam kong may boyfrend na sya. hehe..
Kinukulit na naman pala ako ng pamangkin ko para hiramin ang cellphone ko. Gusto na naman ilow-bat sa kakalaro ng Highway Racer. Kapag ganito, wala akong magawa. Gasgas na kasi yung linya ko palageng “Binura ko na yung games, nakakabagal ng cellphone e!” Dahil kapag ganon, ang isasagot nya na naman e “Patingin nga?!” Pag hindi naman ako pumayag, hihiritan nya naman ako ng “o penge na lang pera?!” at kapag wala akong maibigay na pera, sasabihin nya naman, “Oh! nasan na yung pinangako mo sakeng Zaido T-shirt?!” Nga pala, matanong ko lang, saan ba nakaka-bili ng Zaido T-shirt? Madalas rin kasi akong kulitin ng pamangkin ko sa t-shirt na to. Kahit na wala naman akong pakielam kay Zaido dahil hindi ko pa sya lubusang kilala. Naaalala ko pa nga yung unang pinalabas to sa GMA 7 at naabutan kong pinanonood ng mga pamangkin ko. Nung makita nila akong napatingin din sa kinalolokohan nilang pulis pangkalawakan” na sa totoo lang e gaya-gaya lang naman kay Shaider, tanungin ba naman akong, “Tito, sino ka dyan sa mga Zaido? Si Zaido Blue, Zaido Green? O Zaido Red?” Langya! Ako pang napagdiskitahang tanungin, para namang madalas ako ngayong nakakapanood ng tv. Sa klase ng schedule ko ngayon sa trabaho na sobrang panget, malabong maisingit ko sa buhay ko ang telebisyon. Nung nakaraang biyernes nga, ng magsimba ako sa Quiapo, dahil matagal na matagal na talaga akong hindi nakakapanood ng TV, muntik na kong gumulong sa underpass ng Quiapo nung pababa na ko dahil habang humahakbang ako, may natapakan akong plastik at doon ako nakatingin sa malaking flat screen TV, (napaghahalata ang adik sa telebisyon, hehe!) Buti na lang kamo, may tao sa harap ko at doon ako sa kanya bumangga. Kung nagkataon, talagang gugulong ako pababa. Ano kayang itsura ko nun kung nahulog talaga ko. Ang dami pa namang tao. Tungkol naman doon sa tanong ng mga pamangkin ko, para naman talagang kilala ko yung mga bida sa Zaido? Iba pa rin talaga ang dating ni Shaider para saken. Sa kakulitan nila sa kakatanong, ang naisagot ko,
“Ako si Jumong!”
Nung minsan nga palang na nakapanood ako ng “Kapuso Mo Jessica Soho” May napanood ako doong isang episode na kung saan pinakita yung batang di umano’y palaging sinasaniban ng “Santo Nino” para makapag-pagaling ng mga may sakit at may kapansanan. Hanep sa acting yung bata na akala mo talaga e sinasaniban ng Santo Nino. Kunwari biglang nanghina, tapos mamaya-maya, biglang bumagsak sa sahig (pero kontrolado naman yung bagsak) at hinimatay. Nung mahimas-masan ng konti yung bata, biglang lumiit yung boses na parang boses daw ng Santo Nino. (teka! Ganon nga kaya talaga ang tunay na boses ng Santo Nino? Sino ba ang kauna-unahang tao sa mundo na nakarinig na sa boses ni Santo Nino? ) Pagkatapos ng japeyks na acting na yon, hinihimas nya kung saan-saang parte ng katawan yung may kapansanan o may sakit na nagpapagamot sa kanya. Automatic, gagaling na daw yon. Kung aabutin ng isang taon, o isang siglo bago umepekto ang bisa, wala syang sinabi. Basta nagbitiw lang sya ng preskong-preskong salita na “Gagaling na yan..” sa boses na kasing liit ng boses ni Weng-weng with matching pataas-taas kamay. Kung napanood mo din yon, malamang hindi mo din naiwasang mapakamot ng ulo o lihim na mapatawa dahil mahahalata mo talagang nanggagantso lang. Kasi kung iisipin, walang takdang oras o panahon ang pagsanib ni Santo Nino sa bata. Basta may dumarating na magpapagamot, walang kaabog-abog na biglang sinasaniban ang kawawang bata na ginagamit lang ng kanyang mga magulang para pagkakitaan. Sabi nga ni Madam Jessica, “Kung mapapansin nyo, puro mga mahihirap na tao ang madalas saniban ng kung sino-sinong Santo, pero wala kang mababalitaan na taga Forbes Park na sinasaniban para makapag-pagaling ng may mga karamdaman.” Tama nga naman! Kaya kung ako ang tatanungin, mas okey yung mga ganitong palabas. Maski papaano, may mapupulot na aral ang bawat manonood. Di tulad sa klase ng palabas na minsang napanood ko sa kabilang istasyon. Tinawag pang “reality show” e mukhang scripted naman lahat ng galaw. At tutukan ba naman ang bawat sulok ng bahay ng sangkaterbang camera, at ikulong ng mahigit tatlong buwan sa loob ng bahay ang bawat contestant na kasali. Paano naging reality show yon? E sa totoong buhay, ang mga tao e lumalabas ng bahay para mag-mall at gumimik. Manggagaya lang ng palabas ng taga-ibang bansa, sablay pa! Bakit kaya hindi naisip ng nanggaya ng palabas na yon na yung mga bilangguan ang palibutan nila ng sangkaterbang camera. Sigurado, kahit tatlong taon nila ikulong yung mga may kasong murder, okey lang. Baka nga matuwa pa yung mga yon pagnalaman nilang para silang mga artistang pinapanood sa telebisyon. Kung saan ang mga bida e talagang “Totoong” tao. Tapos habang nagra-riot at nagpapatayan yung mga preso, o gumagamit ng pinagbabawal na gamot sa loob ng kani-kanilang mga selda o may nagtatangkang tumakas e nakikita nila at ng mga manonood. Diba mas maganda? Kaya kapag nakita ko sa personal yung lalakeng nagsasalita doon na syang sinusunod ng bawat contestant na kasali, ikukulong ko din yon sa bahay namin ng isan-daang araw. Hehehe..
Tapos, kanina, nung nakasakay ako sa LRT papasok ng trabaho, may isang mamang nasa likod ko ang sumigaw saken, Nakaharang kasi ako nun sa pinto dahil siksikan kami sa loob. E ako yung banda sa may pintuan. Hindi ko talaga sya narinig dahil nakasaksak yung headset ng mp4 ko sa tenga ko. Sabi nga nung isang mamang katabi ko, naka-dalawang sigaw daw yon ng “hoy!” bago ko narinig. Kung yung pangalawang “hoy!” yung narinig ko o yung pangatlo, hindi ko na alam (naka-headset nga ko e!) hehe.. Pero hindi ko naman sadya yon. At kasalanan yon ng headset ko. Huminto pa sya sa harap ko nung pagkababa nya sa LRT, sabay sabi saken sa matigas na boses at galit na galit (siguro late na sa trabaho o ganon lang talaga siguro ang mga ngetpadudels, galit sa gwapo..)
“Sa susunod, wag kang hahara-hara sa pinto!”
Ako naman, deadma lang. kasalanan ko naman talaga e. nag-sorry naman ako sa kanya nung dumaan sya, pero ang hindi ko matanggap doon, yung hintuan ako at pagsabihan na parang batang paslit. Sa isip-isip ko, gumulong ka sana mamaya sa hagdan pagbaba mo. Hahaha! (Ang sama talaga ni Yhotski..)
Kahapon nga pala, ng hindi sinasadyang magbukas ako ng friendster, meron akong natanggap na isang mensahe galing sa isang magandang dilag na nagsasabing pu-pwede raw akong kumita ng pera sa mga ginagawa kong pagsusulat dito sa Internet. Kung papaano, e hindi ko pa masyadong alam. Kakatapos ko pa lang kasing replyan yung magandang dilag na nagmessage saken.. Hihintayin ko pa yung sagot nya. Hindi ko nga lang sigurado kung magre-reply sya. Pero syempre hihintayin ko talaga yung reply nya para malaman ko kung papaano nga gagawing negosyo tong mga pinagsusulat ko. Pera-pera na kaya pinag-uusapan dito! Hehe.. At para maniwala kayo na totoo ‘tong pinagsasabi ko, click nyo yung link sa ibaba na ibinigay lang saken nung magandang dilag.
http://sweetkenny.blogspot.com
Malapit ko na nga palang matapos yung isang maikling, super ikling kwento na sinusulat ko. Ang totoo nyan, July ko pa yon sinumulan. Natapos ang bagong taon at pasko, hindi ko pa rin natatapos at napo-post. Baka nga, abutin ako nito ng Pasko ng pagkabuhay bago ko mapost. Hindi sa dahilang tinatamad ako, wala lang kasi akong panahon tutukan dahil sobra talaga akong busy at sinasadya kong maging busy. Pero malapit ko na talaga yong matapos. 75% na sya. Ayaw ko naman madaliin yung pagsusulat sa kanya dahil baka panget lang ang kalabasan. Nung pinabasa ko nga sa kaibigan kong si Jhayedhie ( kita mo nga naman, special mention ka pa dito. Hehe..) ang pahapyaw na mga linya, humanga sya. Sabihan ba naman akong “Astig ka talaga! Isa kang alamat!” (Para naman talagang astig ako!) Ang alam ko kasing mga astig, yung mga feeling sosyal at umiinom ng acetone. Kung nabasa nyo na dati yung pinost kong “Super Lolo” ganon ang tema nya. At kasali uli sa kwento si Super Lolo Medyo may mga salita nga lang akong dinagdag na hindi mo iisiping sasabihin ng isang matinong tao. Hehe. Sa madaling salita, abangan nyo na lang.
Nga pala, sa mga nagpapadala sakin ng mga nakakikilig at matatalinghagang love quotes sa Friendster, E-mail at Cellphone dahil ata sa nalalapit na ang araw ng mga puso kaya nila yon ginagawa, maraming maraming salamat po sa inyo. hanggang ngayon, isang love quotes pa rin ang pinaka gusto ko. Yung sinabi ni Anthony Hopkins (William Parish) sa pelikula nyang Meet Joe Black.
“Love is passion, obsession, someone you can't live without. If you don't start with that, what are you going to end up with? Fall head over heels. I say find someone you can love like crazy and who'll love you the same way back. And how do you find him? Forget your head and listen to your heart. I'm not hearing any heart. Run the risk, if you get hurt, you'll come back. Because, the truth is there is no sense living your life without this. To make the journey and not fall deeply in love - well, you haven't lived a life at all. You have to try. Because if you haven't tried, you haven't lived.”

Posted by YHOTSKI at 07:59 AM | Ang hindi mapakale